Ravena lilipad na

MASISILAYAN na ang pinananabikang collegiate debut ni Kiefer Ravena para sa Ateneo Blue Eagles sa gaganaping 2011 FilOil-Flying V Preseason Cup.

Inaasahan ni Ateneo coach Norman Black na malaki ang magiging role ni Ravena para sa koponan.

“We’re lucky that he stayed in Ateneo. I’m looking forward  to coaching him since we need a guy like him with the departure of Eric Salamat,” ani Black.

Nagpakitang gilas si Ravela para sa Blue Eaglets at isa rin sa mga pambato ng Under-18 national youth team.

Magsisimula ang pre-season tournament na sasalihan ng 17 collegiate teams sa Abril 9 sa FilOil-Flying V Arena sa San Juan.

Bukod kay Ravena, isasalang din ni Black ang iba pang rookies na sina Gwynne Capacio, Mark Tallo at Greg Slaughter. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply