Raymundo balik vs Alaska

INAASAHANG magbabalik na si Kerby Raymundo, ang B-Meg Derby Ace team captain sa laban ng Llamados kontra Alaska sa Linggo sa March 13 sa Big Dome.

Ayon kay Raymundo, pinayagan na siya ng kanyang mga doctor na bumalik sa laro.

“The doctors have given me the green light to play. I will definitely play on Sunday against Alaska,” pahayag ni Raymundo na masaya rin nang matalo ng grupo ang Barangay Ginebra Gin Kings, 96-89 noong Linggo.

Idinagdag naman niya na depende pa rin kay coach Jorge Gallent kung isasalang siya nang matagal sa laro.

Matatandaan na ang 6-foot-6 na si Raymundo ay pinagbakasyon ng ilang buwan dahil sa hip injury. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply