Recruiter ng 3 binitay sa China tinutugis na ng NBI

PINAGHAHANAP na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang recruiter ng tatlong Filipino na binitay sa China kahapon dahil sa kasong drug trafficking.

Ayon kay NBI Deputy Director for Intelligence Services Ruel Lasala, malakas ang ebidensya laban kay Tita Cacayan, ang recruiter ni Sally Ordinario-Villanueva na ngayon ay nahaharap sa patong-patong na kaso sa Isabela.

Si Cacayan ay hindi sumisipot sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa kasong kidnapping na isinampa ng kapatid ni Sally na si Jason Ordinario.

Ayon kay Lasala, base sa kanilang  monitoring ay nasa Isabela si Cacayan ngunit natatakot naman ang pamilya ni Sally na balikan ito.

Samantala, inihahanda na rin ng NBI ang pagsasampa ng kaso laban kay  Precy Evangelista, ang recruiter ni  Ramon Credo.

Aminado naman ang NBI na wala silang ebidensya upang iugnay si Evangelista sa drug trafficking, kung saan na-convict si Credo.

Patuloy namang minomonitor ng NBI ang illegal recruiters na sinasabing kontak ng drug syndicates na pinatatakbo ng  West African Groups. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply