Recruiter ng bibitayin sa China kinasuhan na

TULUYAN nang ipinagharap ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang umano’y recruiter ni Sally Ordinario-Villanueva, isa sa tatlong Pilipino na hinatulan ng parusang bitay sa China dahil sa kasong drug trafficking.

Sa reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI), kasong large-scale illegal recruitment o paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2008 ang inihain laban kay Tita Cacayan.

Tumatayong complainant laban kay Cacayan ang mga kaanak ni Villanueva, kabilang na ang asawang si Hilarion, kapatid na si Jayson Ordinario at ina na si Basilisa.

Kabilang din sa mga complainant ang mga kaanak ng iba pang nabiktima ni Cacayan.

Nabatid sa reklamo na bukod kay Villanueva, kasama rin sa mga umano’y nabiktima ni Cacayan sina Melita Salazar-Sibayan, na naaresto rin sa China dahil sa drug trafficking.

Sa pag-iimbestiga ng NBI, nadiskubre na walang lisensya si Cacayan upang mag-recruit ng mga manggagawa patungo ng ibang bansa. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply