Recruiter ng bibitaying OFW sa China kinilala na

Updated 3:20 p.m.

IPRINISINTA nitong Martes, Marso 1, ng Department of Justice (DOJ) ang opisyal ng travel agency na nag-recruit kay Sally Ordinario Villanueva upang umaktong “drug mule” upang ipalusot ang iligal na droga sa China.

Si Villanueva ay isa sa tatlong Filipinong nakatakda sanang bitayin noong nakaraang buwan sa kasong drug trafficking kung hindi napakiusapan ni Bise Presidente Jejomar Binay ang mga opisyal na Tsino na i-stay ang parusang kamatayan.

Kinilala ng DOJ ang suspek na si Jose Bernardino Batnag, operations manager ng Winluck Travel and Tours Agency, bilang recruiter ni Villanueva.

Ayon kay Assistant Chief Prosecutor Jonathan lledo,  hepe ng inter-agency task force against trafficking ng DOJ, si Batnag ay naaresto dakong ala-sais ng Lunes ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3.

Naaresto si Batnag habang ineeskortan ang apat na babaeng overseas Filipino worker (OFW), na patungo sana ng Macau at Canton sa China.

Tumanggi naman si Lledo na pangalanan ang apat na OFW na ineskortan ni Batnag.

Patuloy pa sa imbestigasyon ang operatiba kaugnay sa iba pang insidente ng pagpapaalis ng OFW ng nasabing travel agency. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply