Recruiter ng bibitaying OFW sa China timbog

NAARESTO na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang recruter ni Sally Ordinario-Villanueva, isa sa overseas Filipino worker (OFW) sa China na nakatakdang bitayin dahil sa droga.

Naaresto ng NAIA Task Force Against Human Trafficking ang hindi muna pinangalanang suspek na nasa aktong pinapalusot palabas ng bansa ang apat pang ni-rekrut na babae na papasakay sana sa Cebu Pacific flight patungo sa Macau at Canton, China kaninang umaga, Marso 1.

Ayon kay Brig. Gen. Salvador Peñaflor, executive officer ng naturang task force, ang lalaking suspek ay operations manager ng Win Luck Travel Agency na siya ring nagpaalis kay Villanueva.

Nang inspeksyunin ng awtoridad ang mga bagahe ng apat na ni-rekrut ay wala namang nakitang pinagbabawal na gamot. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply