Recto sa oil firms: Maawa kayo sa mga konsyumer

PANANAMANTALA lang ng mga dambuhalang kumpanya ng langis ang napipintong pagtaas ng mga presyo ng produktong petrolyo at hindi dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan,  ayon kay Sen. Ralph Recto.

Ayon kay Recto, chairman ng Senate committee on ways and means, may 30-araw na imbentaryo pa ang mga kumpanya ng langis kaya’t may isang buwan pa bago sumirit ang presyo dulot ng pagtataas ng pandaigdigang presyo ng langis.

Iginiit ng senador na dapat panindigan ng mga kompanya ng langis ang kanilang 30-araw na imbentaryo sa imbak na gatong at magtaas lamang ng presyo kapag naubos ang nasabing suplay.

“Oil firms, using the uptick in global oil prices triggered by the brewing unrest in the Middle East as convenient alibi, jacked up their pump prices Tuesday by as much as P2 per liter for gasoline and P1 for a liter of diesel,” aniya.

Sumasawsaw lamang umano ang mga oil companies sa kaguluhan sa Gitnang Silangan, na naka-focus sa Libya, upang kumita ng malaki.

“We beg oil companies to hold off their greed, even if it would be a lame attempt to show to the public that they are really sensitive to the people’s already dire situation,” ayon kay Recto. “Brushing up on our Economics 101, the ‘first in, first out’ should apply for oil stocks bought at old prices while those procured at new prices should be sold based on their marked up price.”
Mas mahihirapan din umano ang mga motorista at iba pang fuel-depedent sector sa Visayas at Mindanao sa mas mataas ng dagdag presyo, na tinatayang aabot sa P5 hanggang P8 kada litro.

Ibinasura din ni Recto ang paliwanag ng mga opisyal ng Department of Energy (DOE) na kaagad-agad na gamitin ng mga kompanya ng langis ang pagkilos ng presyo sa buong mundo sa kanilang pagtatakda ng halaga upang maiwasan ang tinatawag na local price shocks.

“The only shock that should be avoided is the fact that some energy officials, despite the change in government, still appear to be speaking in behalf of the oil behemoths,” giit niya. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login