Red Cross nangangalap ng donasyon para sa Japan

PUSPUSAN ang kampanya ng Philippine Red Cross sa pagkalap ng pondo at donasyon para sa mga biktima ng lindol at tsunami sa bansang Japan.

Ayon kay PRC chairman Richard Gordon, ang kampanya ay bilang suporta sa Japanese Red Cross (JRCS) na tumutugon sa krisis na kinakaharap ng nasabing bansa.

Sa ulat, nakakalap na ang Red Cross ng P16.8 milyon, $100,000 at Y30,000 mula sa mga korporasyon at indibiduwal.

Ang Japan umano ay kasama, kaibigan at todo-suporta sa Pilipinas lalo na sa kalakalan ayon kay Gordon.

Aabot sa 36 porsiyento umano ng total Overseas Development Assistance (ODA) ng bansa ay galing sa Japan para sa pagpapaunlad sa larangan ng road construction, flood control, irigasyon, water supply, livelihood program, health care at edukasyon.

Ang Japanese Red Cross umano ay laging nakasuporta sa Philippine Red Cross sa panahon ng mga kalamidad kaya’t marapat lamang na ibalik ng Pilipinas ang kabutihan ng mga ito. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply