Re-election bid ng 6 senador, nakasalalay sa impeach Mercy – Gringo

ANIM na senador ang posibleng masipa sa Senado sa 2013 kapag inabsuwelto nila si Ombudsman Merceditas Gutierrez sakaling maihain ang Articles of Impeachment na inaprubahan ng House committee on justice kamakailan.

Ibinalala ito ng isang mababatas dahil hawak sa leeg ng mahigit 45 milyong botante ang kinabukasan ng anim na reelectionists na muling tatakbo sa senatorial election sa 2013.

Kumbinsido si Sen. Gregorio Honasan na ang magiging hatol ng anim na senador sa kaso ni Ombudsman Gutierrez ay magkakaroon ng epekto sa kanilang reelection bid sa 2013.

“Sa tingin ko ang mas malawak at malalim na aspeto nito ‘yung magiging pananaw ng taumbayan sa pagpapataw ng hustisya pag umabot dito yung impeachment. So oobserbahan papaano yung demeanor ng bawat senador at pagsuri ng ebidensiya,” paliwanag ni Honasan.

Nauna rito, sinabi ng isang senador na tumangging magpabanggit ng pangalan na matatakot ang mga reeleksyunistang senador na bumoto sa acquittal ni Gutierrez dahil baka buweltahan naman sila ng taumbayan sa 2013 elections.

Ngunit ayon naman kay Honasan, hindi na niya iniisip ang magiging parusa ng mga botante kundi ibabase niya ang kanyang desisyon depende sa makikita niyang ebidensiya laban sa isinasakdal.

“Although political itong prosesong ito, hustisya pa rin ang pinag-uusapan dito at ebidensiya. Hindi puwedeng partisan politics ang umiral dito. Hindi puwedeng ang basehan dito kung saan ang mayorya, kung saan yung minority,” katuwiran ng senador na isa sa reeleksyonista sa darating na halalan.

Nanindigan din si Sen. Juan Miguel Zubiri na hindi niya iisipin ang reelection bid sa 2013 sa kanyang magiging pasya sa kaso ni Gutierrez.

“Kung ano ang ebidensiya, doon tayo magde-decide,” giit ni Zubiri.

Bukod kina Honasan at Zubiri, ang iba pang reeleksyunistang senador ay sina Alan Peter Cayetano, Loren Legarda, Francis “Chiz” Escudero at Antonio Trillanes IV. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply