Regine Velasquez hindi priority ang mister na si Ogie

PANALO ang team-up nina Regine Velasquez at Dingdong Dantes dahil kinaaaliwan ang kanilang seryeng “I Heart You Pare”. First team up nila ito sa telebisyon pero click sa masa ang romantic-comedy.

Hindi man priority ni Regine ang pagsasama nila ni Ogie Alcasid dahil sa trabaho ay naiintindihan daw ng asawa niya.

Hindi rin daw madalas  ang pagiging loving-loving nilang mag-asawa dahil baka mapaaga na magkaroon sila ng baby.

“Kasi nga we’re very careful. Kung sabagay wala namang makakapag-ano…kung mangyayari mangyayari, di ba? Pero sana hindi na muna. Pero hindi mo naman puwedeng i-hold yun..whatever.  Basta sa ngayon, easy lang kami.”

Pero wish daw ni Ogie na sana last year ay meron na silang baby. “Wait lang ha!!! hehehehe. Ta-tumbling lang ako. Hehehehe!,” reaksyon niya.

“Okey.Like what I said. Ayaw kong magbigay ng pressure sa aming dalawa. Kung mangyayari, magiging happy kami. Pero kung hindi,  okey rin. Talagang ganun,” aniya.

Open din si Regine kung gagamitin nila ang sensya para magkaroon ng baby. Gusto nilang maging realistic. Pero na kay God pa rin daw kung gusto silang pagkalooban ng anak at blessings daw yun.

Korek!

-0o0-

May bagong nilulutong project kay Kuya Boy Abunda sa ABS-CBN 2 kahit abala na sya sa ‘The Buzz,” “Showbiz New Ngayon’ at ‘Bottomline’..

“Patuloy kaming nag-uusap dun sa bagong show. Nasa stage pa rin kami sa pag-uusap kung ano ang aming gagawing pilot,” tugon niya nang dumadalaw kami sa studio ng SNN.

“Tanggap ko na ang aking problema ay ang aking schedule. But I’m excited. Ang sabi ko nga tuwing pinag-uusapan ang isang bagong show if it’s gonna happen, it will happen. If it’s meant, it’s meant.”

Tungkol naman sa concert ni Bruno Mars, hindi raw sila ang major producer kundi si Marvin Agustin at ang ABS-CBN 2.

“Kami maliliit lang na investors as in maliliit.

Pero sa palagay ba niya makakaapekto ‘yung kaso ni Bruno Mars sa concert nitya?

“Palagay ko ay hindi.  As of now, kokonti na lang ang tickets. Mga 80 % sold out na kahit hindi pa nagsisimula ang plugging.

“Alam ko nagkaroon ng kaso si Bruno Mars, sino ba naman ang hindi nagkakasala?  Pero community service, hindi siya makukulong. Lahat naman tayo ay natatapilok. What measures all of us is the adelity of all of us to rise after we fall.

Naibalita rin ni Kuya Boy na marami siyang alaga ngayon na nagbabalik sa  Backroom at sa Dos.

“Ang sarap nga,e! Si Dominic Ochoa may gagawing teleserye sa .. Si Dawn (Zulueta) at si Ariel Rivera ay balik din, nagbabalik sila sa ‘Mula sa Puso’. Maganda ang materials kaya na-convince ko si Ariel na bumalik at dalawang taon ang contract. Si Dawn ay tatlong taon ang contract,” kuwento pa niya.

Sinabi rin ni Kuya Boy na na-reach naman na ni Ariel ‘yung point ng career na puwedeng magtrabaho kahit saang network at materyales na gusto niyang gawin.”

Kumusta naman ang alaga niyang si Aiko Melendez?Naka-rcover na  ba?

“Hindi ako puwedeng magsalita kay Aiko. A heartbeak is a heartbreak, I don’t know. It’s  a process. Some of us take a lifetime to heal, others take a few months, some years  others, a lifetime. So I, don’t really know but somehow we all move-on,” deklara ni Kuya Boy.

Sa pagbakasyon namin  sa Singapore , marami kaming Pilipino na nakakuwentuhan.  Iisa ang sinasabi nila kung sinong mga artista sa Pinas  ang sikat sa naturang bansa.

Nangunguna sa listahan sina Gerald Anderson, Kim Chiu at Jake  Cuenca   dahil ipinapalabas ang kanilang serye na “Tayong Dalawa (Two of Us)”. Yung Chinese  version ay nasa channel 8 at ang English at nasa Channel 5.

Dalawang version daw ang ipinapalabas tuwinng Tuesday, Thursday at Saturday. Isang English at isang Chinese.

Ang pangit daw ng version ng English dahil ang pangit ng pag-dub.Parang wala raw feelings. Iba pa rin daw ang version ng Tagalog.

Sadyang maraming fans sina Gerald  at Kim sa Singapore at siguradong mapupuno pag sila ang may show dito dahil sikat na sikat sila sa kanilang teleserye.

Napag-usapan tuloy kung sino sa mga singers at artista ang dinudumog pag may show sa Singapore. Nangunguna diyan sina Lea Salonga, Charice Pempengco , Rivermaya, Gary Valenciano with Jamie Rivera.

Hindi naman  daw napuno ang show ng isang male singer  na mala-kristiyano ang pangalan kahit sinasabing sikat siya sa Indonesia at sikat din ang kanyangf mga kanta dito sa Singapore.

Kahit ‘yung magaling na actor na nagkaroon ng gig sa Singapore ay hindi rin napuno. Hitsurang  ‘Pusong Ligaw’ ang  hatak niya sa mga tao roon at hindi gaanong nag-click.

‘Yun na! Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply