10.11 metric tons relief goods ipadadala na sa Japan

IPAPADALA ngayong araw, Marso 25 ang 10.11 metric tons ng relief goods bilang tulong ng pamahalaan sa mga biktima ng trahedya sa Japan.

Ayon kay Eduardo Malaya, spokesman ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang relief shipment ay libreng ibibiyahe ng Philippines Airlines (PAL) patungong Japan mamayang 2:30 ng hapon.

Kabilang sa mga ipapamahagi ay ang food packs, noodles, towels, dust masks, at plastic mats na inaasahang darating mamayang gabi (Biyernes).

Sinabi ni Malaya na ang items na ipadadala sa Japan ay bahagi ng kahilingan ng naturang pamahalaan para sa biktima ng magnitude 8.9 na lindol at tsunami sa Iwage ad Miyagi prefectures.

Ayon naman kay Foreign Affairs Secretary Alberto del Rosario, ang pagpapadala ng relief goods sa Japan ay bahagi ng ispiritu ng “bayanihan.”

Sinabi ni Del Rosario na nais din ng Philippine Embassy na matulungan ang mga residente ng Tohoku region na may naninirahang 4,600 Filipinos.

Kaugnay nito, nakahanda ring magpadala ng humanitarian assistance personnel ang Pilipinas para makatulong sa ginagawang recovery efforts.

Hinihintay na lamang umano ng Pinas ang go signal ng Japan para maipadala ang recovery team doon.

Sa kasalukuyan,  naka-standby lang ang Philippine Air Force C-130 transport aircraft na magdadala sa rescue at retrieval teams mula National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRM).

Patuloy naman ang embahada ng Pilipinas sa Tokyo sa paghahanap at pagbibigay sa mga pangangailangan ng mga Pinoy sa northern Japan lalo na sa Fukushima.

Ayon sa ulat, umabot na sa 143 Pinoy ang nailikas mula sa Tohoku region at namamalagi na ngayon sa relocation site sa Tokyo. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply