Relief packs sa Tacloban, dumagsa

NAGPAABOT na ng karagdagang relief packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) makaraang masalanta ng malakas ng ulan na nagbunsod ng pagbaha at landslides sa Tacloban, Leyte.

Ayon kay DSWD Sec. Corazon “Dinky” Soliman sa isang panayam sa radyo, nagbigay na sila ng 500 relief packs at dalawang generators set sa Tacloban at humigit kumulang 800 mga relief packs naman sa Leyte.

“Pinag-utos na ngayon ng Malacañang na siguraduhin ang dagdag tulong sa mga biktima na mas dumadami pa, ito ay ayon na rin sa mga reports na patuloy na buhos ng ulan,” ayon pa kay Soliman.

Nabatid na patuloy na tinututukan ng gobyerno ang kondisyon ng mga magsasaka na mas malaki ang pinsala sa kanilang pamumuhay.

Samantala, magpapatuloy ang isinasagawang relief operations ng gobyerno hangga’t nagpapatuloy ang pagbuhos ng ulan.

“Ang dagdag tulong na ito ay hindi lang ngayon sa panahon ng baha kundi tuloy-tuloy hangga’t maging okay na ang kondisyon ng Eastern Visayas,” ayon pa sa kalihim. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply