Relokasyon sa libong pamilya sa tenement houses handa na

IKINASA na ng lokal na pamahalaan ang relokasyon sa mga pamilya na nakatira sa dalawang tenement houses sa Maynila Tondo at Punta, Sta. Ana.

Ito ay upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa anumang kapahamakan dulot ng nagbabaatag lindol sa Metro Manila.

Ayon kay City Building Chief Eng’r Melvin Balagot, nakatakdang ilikas ang may 40 pamilya mula sa Vitas at Punta Sta. Ana na boluntaryong aalis sa nasabing tenement houses.

Sinabi rin ni Balagot na sasagutin ng pamahalaang lokal ang paglilikas ng mga ito patungong relocation site sa Towerville sa Marilao Bulacan.

Nakatakda namang ilikas sa Huwebes ang unang batch ng mga pamilya sa tenement houses sa Vitas patungo sa bago nilang tirahan sa Towerville.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na rin si Balagot sa tanggapan ng Manila Social Welfare Development na pinangungunahan ni Jay dela Fuente para sa food assistance na kakailanganin ng mga ire-relocate na residente.

Samantala,  ang hindi naman kuwalipikado sa relokasyon ay bibigyan ayuda na lamang ni Jay dela Fuente sa pamamagitan ng balik probinsiya program ng MSWD.

Binigyang prayoridad ni Manila Mayor Alfredo Lim ang paglilikas sa mga residente ng dalawang tenement houses dahil sa opisyal na ulat ni Balagot na may katiyakang guguho ang dalawang mass housing structure anumang oras na may maganap na paglindol sa lungsod. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply