Remate bagong panlaban ni Juggling Act sa pista

KILALA si Juggling Act na isang debokang kabayo, mabilis sa largahan at matapang sa unahan.

Subalit noong Linggo ng hapon sa pista ng Sta. Ana sa Naic, Cavite ibang istilo ang nakita kay Juggling Act, pangatlo sa largahan sa walong lumabas ng aparato at nanatiling nasa likuran habang binabaybay ang distansyang 1,200 meter race.

Pinaremate ni class A rider Fernando “Dunoy” Raquel si Juggling Act upang tawirin ang meta ng may apat na kabayong pagitan sa sumegundong si Batang Tundo sa naganap na OTBSAPI-Ding Pangilinan Trophy race.

“Puwede pala siyang (Juggling Act) parematehin.” nakangiting pahayag ni Raquel. “Kaya kahit sa mahabang distansya puwedeng-puwede siyang isabak.”

Bandang huling kurba gumuguhit papalapit sa unahan si Juggling Act habang kabuntot nito si Batang Tundo na ginagabayan naman ni star jockey Jonathan “Unoh” Hernandez.

Sa rekta nakuha na ng winning horse ang bandera kay Mooney Money.

Nakapagtala ng tiyempong 1:13 sa nasabing distansya si Juggling Act.

Samantala, sinilat ni Comitatus ang mga naliyamadong sina Benny Good Man, Kick The Can at Life Time sa naganap na George Y. Stribling Trophy race.

Nakopo ni Comitatus ang halagang P180,000 habang naiuwi naman ni Benny Good Man ang P67,500 para sa second placer. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply