Renz Fernandez bagay kay Kim Chui; Gerald dapat na bang kabahan?

DAPAT na bang kabahan si Gerald Anderson sa pagpasok ni Renz Fernandez sa buhay-showbiz ni Kim Chiu?

Si Renz ay ang bunsong anak nina Lorna Tolentino at ng namayapang si Rudy Fernandez. At unang sasabak si Renz sa final episode ng “Your Song presents Kim” bukas, Marso 27 pagkatapos ng ASAP Rocks bilang katambal si Kim. Kagatin kaya ito ng mga viewer? Tingnan natin.

Sinusubukan ng Dos kung sino ang bagay kay Kim, kung mapapansin ninyo pagkatapos ng tambalang Kim at Gerald Anderson ay iba-iba ang ipinareha kay Kim. Malamang na hinahanap ng Dos ang perfect na leading man para sa kanya.

Tama rin naman ang move na ito ng Dos, na ipareha sa iba sina Kim and Gerald, kasi nakakasawa rin kung laging sila ang magkatambal.

Yun nga lang sumusugal dito ang Dos. Pwedeng kagatin pwedeng hindi.

Sa kaso ni Gerald, ipinareha ito kay Sarah Geronimo. Sugal din ito dahil, never pang nagkapareha ang dalawa kahit sa TV program lang. As in sinabak sila agad sa pelikula na paniguradong ginastusan ng bongga.

At heto nga, dinumog ang premier night ng “Cathc Me I’m In Love” nitong March 22 sa SM Megamall. Maganda din ang feedback ng mga nakapanood nito.

Mukhang pasado naman sa panlasa ng masa ang tambalang Gerald at Sarah.

Sa teaser naman ng Your Song, mukhang bagay din sina Kim at Renz. At in fairness kay Renz, di naman siya papahuli kay Gerald Anderson kung kaguwapuhan ang pag-uusapan.

Dapat na bang kabahan si Gerlad dito, hmmmm…siguro hindi pa lalo pa’t medyo nahuli ng tambalan nila ni Sarah ang kiliti ng masa. At in fairness kay Gerald, tumagal siya sa magulong mundo ng showbiz, at may acting award na rin siya.

Bukas naman malalaman natin kung pwede sa aktingan itong si Renz. Tama ba? Pero masyado pang maaga para husgahan ito. Remember na anak ito ng nina LT at Daboy, pwedeng hasain ito ng husto. Sa looks walang problema, maaaari nang ipantapat sa mga young actors ngayon gaya nila Gerlad, Aljur Abrenica at JC De Vera.

Mabalik tayo kay Renz, ayon sa 25-anyos na aktor, bata pa lamang ay pangarap na niyang makatuntong ng showbiz kung saan nakilala ang kanyang mga magulang.

“Bata pa lang ako gusto ko na mag-artista. Kaya lang nag-promise ako kay Papa na tatapusin ko muna ‘yung pag-aaral ko. ayon sa aktor.”

Hindi muna niya pinasok ang pag-aartista dahil sa pangako sa kanyang mahusay na ama na prayoridad niya ang kanyang pag-aaral.

“Natapos ko na po ‘yung studies ko nung October. Tama naman ‘yung desisyon niya. Ngayon mas may disiplina na ako. Mas kaya ko nang mag-focus. Ngayon hahabulin ko na ang pangarap na ‘yun, ani Renz.”

Makakapareha niya ang isa sa Primetime Princesses ng Dos na si Kim sa kanyang unang TV acting. Ayon sa aktor natutuwa siya na makatrabaho si Kim

“Feeling ko napaka-blessed ko na nakatrabaho ko si Kim para sa unang unang trabaho ko. I feel honored. Thank you talaga. Sobrang taas ng gratitude ko sa ABS-CBN, sa inyong lahat.”

Nabaitan din si Renz kay Kim at ikinuwento rin niya na nakakalimutan niya ang kanyang mga linya dahil nadi-distruct siya sa kagandahan nito ( ang haba ng hair ni Kim).

“Mabait na babae ni Kim. Madalas ko ngang makalimutan ‘yung mga linya ko dahil sobra niyang ganda. Na-star struck ako. Nag-meet kami sa tent. Ipinakilala kami ni Direk Jerry (Sineneng). Nakita ko ‘yung mata niya. Sabi ko, ‘Uy! Ang ganda naman nito!’ Napaka-talented. Magaling na artista. Mabait.”

Pilyo ang sagot ni Renz nang tanungin  ng Push kung ninais ba niya na magkaroon sila ni Kim ng kissing scene.

Ayon sa kanya, “Bakit naman hindi?! Sino ba ang hindi papayag? ha ha ha!”

Mukhang masayahin at mukhang pilyo nga itong si Renz at siguradong isa siya sa mga aabangan ngayong taon sa linya ng mga batang aktor lalo na kung paghuhusayan niya.

Tungkol naman sa pagtatambal nila Kim, hindi kaya awayin din siya ng mga Kimeralds?

Mukhang hindi naman, dahil behave ang mga fans nila (Kim) ni Gerald at sinuportahan naman ng mga ito ang pelikula ni Gerlad with Sarah.  Tama ba? Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply