Rep. Lagman: Anti-RH Bill ‘di handa sa debate

WALA pang mangyayaring debate sa plenaryo sa pagpasa  ng kontrobersyal na Reproductive  Health (RH) Bill  dahil sa kawalan ng kahandaan  ang  mga mambabatas na  tumututol  dito.

Ito ang pahayag ng principal na  author ng panukala  na si  House  Minority leader  Edcel Lagman  sa  ginanap na press conference kaugnay rito.

Ayon kay Lagman, mula sa umano’y may 43 anti-RH bill  na nakahanay sa interpellators  ay wala ni isang nakahanda para tumapat sa pro-RH bill.

Sinabi ng lider ng oposisyon na maaring hindi na maisalang ang RH Bill bago ang session break sa March 25 magtatagal   hanggang May 8 dahil wala itong  time frame  kumpara  sa   panukalang pagpapaliban sa  ARMM  polls at  impeachment  case laban kay  Ombudsman  Merceditas Gutierrez. Beth Aragon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply