Rep. Ty nagsulong ng 3 solusyon sa napipintong krisis sa langis

TATLONG paraan ang isinulong ni LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty bilang pansamantalang solusyon sa madaliang pangangailangan sa langis sakaling magkaroon ng krisis nito sa Gitnang Silangan.

Kabilang dito ang emergency fuel-sharing deal sa Japan, pagpasok ng Pilipinas sa isang forward commercial storage agreement sa mga bansang nagbebenta ng langis at ang pagtatayo ng state-owned Strategic Petroleum Reserve (SPR) sa pamamagitan ng Philippine National Oil Co.

“In fact, South Korea and New Zealand have already entered into emergency oil-sharing agreements with Japan,” paliwanag ni Ty.

Ang Japan aniya ay may 583 milyong bariles ng langis sa SPR nito na siyang reserba ng bansa para sa mga pagkakataong may krisis.

Ayon kay Ty dapat lahat ng opsyon ay subukan ng pamahalaan bago pa man dumating ang oras ng krisis lalo pa at maraming Japanese investors sa bansa.

“It is also possible for us to have an emergency sharing deal with the US, even if we have to pay a slightly higher price for the oil,” giit pa ni Ty at sinabing ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng foreign investors sa bansa. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply