Repatriation ng OFWs sa Libya, hanggang ngayon lang-DFA

HANGGANG ngayonn na lang, Biyernes, Marso 4, ang operasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa paglikas ng mga overseas Filipino worker  (OFW) at mga pamilya nila mula sa coastal city ng Libya.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario na Biyernes ang deadline nila para sa mga OFWs na desididong magbalik-Pilipinas.

Magkagayunman, hindi naman aniya dapat mawalan ng pag-asa ang mga OFW na hindi makakaabot sa deadline dahil maaari pang pumunta ang mga ito sa Libyan-Tunisian border sa Egypt kung saan naroroon ang embahada ng Pilipinas upang sila ay tulungan.

Umabot na sa 11,045 Filipino ang nakalabas ng Libya at 1,971 sa mga ito ang nakabalik na ng bansa.

Ang mga Filipino repatriates ay makakakuha ng P10,000 financial relief assistance mula sa Department of Labor and Employment (Dole) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Anim na pinagsamang puwersa ng DFA-DOLE team ang patuloy na tutulong sa mga Pinoy sa Tripoli at sa ilang lugar at entry points sa Djerba, Libyan-Tunisian border at sa As Sallum.

Sa Isla Crete sa Greece ay nakaantabay naman ang DFA reception team na tutulong sa OFWs na manggagaling mula sa Benghazi.

Ang team ay mayroon nang arrangements para sa mga uuwing Pinoy mula sa Tripoli, kabilang na rito ang pagkain at accomodation.

Sa Malta naman ay mayroong augmentation team ang DFA para alalayan ang OFWs na manggagaling naman sa Tripoli.

Samantala, nakikipagtulungan ang Philippine Embassy sa Cairo sa International Organization for Migration (IOM) para sa pagbo-book ng flights para sa mga Pinoy na inabandona ng kanilang mga amo. Kris Jose

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply