Reporma sa PMA isusulong

ITO ang pangunahing agenda ng  bagong Philippine Military Academy (PMA) superintendent, Army B/Gen. Nonato Peralta Jr. na gagawin kasunod ng pagkakaladkad sa isyu ng korapsyon sa hanay ng mga matataas na opisyal na nagsipagtapos sa  pamosong military institution sa silangan Asya.

Ayon kay Peralta, titiyakin niya na maisusulong ang mga magandang pagbabago sa loob ng  PMA  bagamat maipagmamalaki naman na ang mga produkto ng akademiya ay 99.999 percent na may magagandang asal.

Tiniyak nito na makikipagsabayan sila sa kultura ng pagbabago na isinusulong sa ilalim ng liderato ng bagong AFP chief of staff, Lt. Gen. Eduardo Oban Jr.

Tiniyak din ni Peralta na hahadlangan niya ang anumang maling gawi na mangyayari sa loob ng itinuturing na premier military institution sa Southeast Asia.

Sinabi rin niya na paiigtingin ang serbisyo at pagtuturo sa mga kadete upang mapanatili ang integridad ng institusyon.

Si Peralta ay humalili bilang bagong PMA superintendent kapalit ng nagretirong si Vice Admiral Leonardo Calderon Jr., na graduate ng PMA Class 1976.

Samantala, bago hinirang si Peralta sa bagong puwesto, siya ay nagsilbi bilang AFP deputy chief of staff for civil-military operations.

Ang dating posisyon niya ang panahon kung saan nataon na inilunsad ang bagong security plan ng AFP at human rights handbook na tinaguriang “Bayanihan.”

Ang 1979 graduate ng PMA ay nagsilbi rin bilang commander noon ng Army’s 403rd Infantry Brigade sa Mindanao at ng 50th Infantry Batallion sa Cagayan Valley.

Ang pag-upo ni Peralta ay kasunod ng iskandalo na bumalot sa ilang graduates ng PMA na iniugnay sa korapsiyon. Verlin Ruiz

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply