Reporter ng GMA-7 hinoldap

HINOLDAP ang isang television reporter ng isang tanyag na network kagabi sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

Tinutukan ng kutsilyo ng holdaper si Bernadette Reyes makaraang bumaba ito mula sa kanyang kotse papunta sana sa boarding house nang lapitan siya ng isang lalaking naka-helmet at nakamotorsiklo.

Bigla na lamang umano siyang tinutukan ng kutsilyo at binantaan siyang sasaksakin kapag hindi ibinigay ang dala nitong bag.

Natangay kay Reyes ang dalawa nitong cellular phones, P30,000 na umano’y pondo umano ng kanilang opisina at ilang personal na gamit.

Ito na ang pangalawang beses na naholdap ang nasabing television reporter. Marjorie Dacoro

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply