Reporter ng GMA-7 hinoldap

HINOLDAP ang isang TV reporter sa isang tanyag na telebisyon kagabi sa Tomas Morato, Quezon City.

Tinutukan ng kutsilyo ng holdaper si Bernadette Reyes, TV reporter ng GMA-7, makaraang bumaba ito sa kaniyang kotse papunta sana sa boarding house nang may isang lalaking naka-helmet at nakamotorsiklo ang lumapit sa kanya.

Bigla na lamang umano siyang tinutukan ng kutsilyo at nagbantang sasaksakin kapag hindi niya ibigay ang dala nitong bag.

Natangay kay Reyes, ang dalawa nitong cellular phones, P30,000 na sinasabing pondo umano ng kanilang opisina at ilan pang mga personal na gamit.

Ito na ang pangalawang beses na naholdap ang nasabing TV reporter. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply