Retiradong sekyu dedo matapos dyuminggel

NAKAHANDUSAY sa gilid ng isang tindahan at wala nang buhay nang matagpuan ang isang 67-anyos na retiradong security guard Sabado ng umaga sa Caloocan City.

Hindi na naisugod pa sa pagamutan ang biktimang si Jesus Rebulado, residente ng 368 Julian Felipe St., Barangay 8 ng nasabing lungsod.

Ayon sa mga may hawak ng kaso na sina P03 Albert Juanillo at P02 Pidencio Saballo Jr., dakong 5:30 ng umaga nang matagpuan ang walang-buhay na katawan ng biktima sa kanto ng Torres Bugallion St.

Huling nakita ng mga nakatambay ang biktima na umiihi sa gilid ng nasabing tindahan.

Makalipas ang ilang sandal ay nakitang nakabulagta na ang biktima.

Nang lapitan ng mga tambay ang biktima ay napansin nilang hindi na ito humihinga.

Agad nilang itinawag sa himpilan ng pulisya ang insidente.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga rumespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Northern Police Disirict (NPD) na walang sugat na palatandaan ng ikinamatay ng biktima.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni Rebulado. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply