RH bill mas mapaminsala kaysa sa lindol sa Japan

IGINIIT ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na kung maisasabatas ang Reproductive Health (RH) bill ay mas masahol pa umanong peligro ang hatid nito sa buhay at moralidad ng tao, kumpara sa malakas na lindol at tsunami na naminsala sa Japan noong Marso 11.

Sinabi ng Obispo na bukod sa pagkitil sa mga buhay sa sinapupunan, tiyak na wawasakin din ng nasabing panukala ang mabuting samahan ng bawat pamilyang Filipino.

Kasabay nito, tiniyak ni Ongtioco na tuluy-tuloy ang gagawin nilang paglaban upang hindi maisabatas ang RH bill, na tinagurian nilang anti-life bill.

Una nang inianunsiyo ng simbahan ang nakatakdang pagdaraos sa Marso 25 ng isang March for Life na pangungunahan mismo ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales.

Ang naturang prayer rally ay tinawag na ‘grandmother of all rallies’ at nakatakdang isagawa sa Quirino Grandstand sa Ermita, Manila, kaugnay na rin sa paggunita ng Day of the unborn at ng Feast of the Annunciation.

Bukod dito, nakatakda ring magsagawa ng “Holy Eucharist” ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa susunod na linggo bilang pasasalamat sa lahat ng patuloy na tumutulong upang tutulan ang RH bill.

Ayon kay Monsignor Juanito Figura, secretary general ng CBCP, isang misa ng pasasalamat ang kanilang gagawin para sa lahat ng pro-life organizations, professionals at mambabatas na sumusuporta sa mga anti-RH bill campaign.

Ang nasabing misa ay gagawin sa ganap na 9:00 ng umaga sa Manila Cathedral.

Ang nasabing misa ay pangungunahan ni Cardinal Rosales kasama ang mga miyembro ng CBCP Permanent Council at iba pang prelate at pari. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply