Rider sumalpok sa trak sa Kyusi, kritikal

SUGATAN ang isang rider ng motorsiklo na sumalpok sa isang trak sa flyover sa Tandang Sora, Commonwealth, Quezon City, madaling araw ng Marso 3.

Ayon sa news report ng Unang Hirit, bandang 4a.m. nang bumangga sa isang trak ang driver ng isang motorsiklo na si Oliver Agnol.

Nabatid na mistulang nilamukot ang motorsiklo habang wasak naman ang harapan ng trak.

Ayon sa mga saksi, rumaragasa umano sa pagpapatakbo si Agnol na nag-counter flow pa kung kaya sumalpok sa trak.

Nabatid pa na tila nakainom ang suspek na lumabas umano sa isang Apartelle at iniwan ng kasamang babae.

Ayon sa traffic investigation, hindi bababa sa anim ang naaaksidenteng motorsiklo kada araw sa naturang lugar. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply