Riding in tandem na holdaper bumulagta

KAPWA sumemplang at wala ng buhay, matapos makaengkuwentro ng mga tauhan ng Manila Police District ang riding in tandem na holdaper sa Sampaloc, Manila Sabado ng madaling araw, Marso 12.

Tinatayang nasa edad 30-35 ang isa sa mga suspek na may taas na 5’3, malusog ang pangangatawan, nakasuot ng dilaw na t-shirt, maong na pantalon, rubber slipper, may tattoo na tribal sa  kanang bahagi ng gawing itaas ng likod at may pangalang ENAN sa gawing ibaba ng likod.

Samantala, ang ikalawang suspek ay nasa edad 30-35 anyos, may taas na 5’4; kayumanggi; katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay itim na t-shirt,  berdeng  panloob na damit, puting short pants at rubber slipper, may tattoo sa kanang dibdib  na ALONA BANAL sa kaliwang balikat ay may naka-tattoo na CHAKA at may Rey Morales/Commando sa kaliwang bahagi ng kanyang likuran.

Batay sa report ni Det. Edgardo Ko, dakong alas-3 ng madaling araw nang maka-engkuwentro ng dalawa, ang mga tauhan ni P/Supt. Jemar Modequillo, station commander ng MPD-Sampaloc Police Station 4, makaraan ang mahabang habulan sa kahabaan ng Andalucia sa pagitan ng J. Barlin at P. Campa Sts., Sampaloc.

Bago ang engkuwentro, isang Maureen Ramos ang umano’y nag-aabang ng pampasaherong jeep sa may Espana Boulevard nang lapitan  ng riding in tadem  na lulan ng kulay pink na Yamaha MIO motorcycle na walang plaka at nagdeklara ng holdap habang itinutok ang .38 kalibreng baril sa biktima.

Sapilitan umanong kinuha ang bag ng biktima saka tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng Quiapo area.

Nagsisigaw si Ramos na nakatawag ng pansin sa nagpapatrulyang miyembro ng MPD Anti-Crime Unit na tauhan ni Supt. Modequillo.

Kaagad na ikinuwento ng biktima ang nangyari at mabilis namang kumilos ang mga pulis at hinabol ang dalawang suspek base sa ibinigay na deskripsiyon ng biktima.

Pagsapit sa nasabing lugar, inabangan ng mga pulis ang dalawa at nang mamataan ay agad itong sinita, pero nanlaban ang mga ito kaya sila pinaputukan.

Narekober  sa mga suspek ang tinangay na bag ni Ramos na naglalaman ng mahahalagang gamit,P1,590 cash  at ang .38 kalibre ng baril na ginamit sa  panghoholdap. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply