Riot ng Christians at Muslim sa Egypt , 1 patay, 15 sugatan

ISA ang patay habang 15 ang sugatan makaraang magpang-abot ang Coptic Christian at mga Muslim sa Cairo, Egypt.

Nagsimula ang riot nang harangan ng mga nagsasagawa ng protesta na pawang mga Copt ang isang highway na ikinagalit ng mga Muslim.

Nagprotesta ang mga Copt makaraang sunugin ang kanilang simbahan sa Katimugan ng Ehipto, isang linggo na ang nakararaan.

Malimit nang nakatatanggap ng reklamo mula sa mga Copt dahil umano sa mga harassment at diskriminasyon na kanilang nararanasan.

Hindi rin nila umano natatanggap ang hustisya dahil kalimitang napapatawan lamang ng magaan na hatol ang mga salarin na tahasan namang itinanggi ng gobyerno ng naturang bansa ang paratang. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply