Roach nasa ‘Pinas na

DUMATING na ng bansa si four-time Trainer of the Year awardee Freddie Roach para alalayan si Manny Pacquiao sa walong linggong pagsasanay na isasagawa para sa May 7 showdown nito laban kay Sugar Shane Mosley sa Las Vegas, Nevada.

Si Roach na katutuntong lamang sa edad 51 ay dumating sa bansa kasama sina World Boxing Association (WBA) light-welterweight champion Amir Khan, regular Pacquiao sparmates David Rodela at Shawn Porter.

Makakasama ni Pacman si Khan dahil naghahanda na rin ito para sa kanyang April 16 defense sa hawak na 140-lbs belt  laban kay Paul McCloskey sa Manchester, England.

Sina Pacquiao at Khan ay naging mag-partner na rin sa training noong 2010.

Habang isinusulat ito, hindi pa malinaw kung saan unang sasalang si Pacman—sa Baguio City ba, Makati o sa Elorde training facility sa Quezon City na pinagpipilian umano ng Team Pacquiao. Gilbert Perdes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply