Road Warriors, CL Gems liyamado sa D-League

ANG NLEX Road Warriors at Cebuana Lhuiller Gems ang itinuturing na popular teams sa bagong tatag na PBA D-League Foundation Cup na nakaiskedyul na magsimula sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City sa  Biyernes, Marso 11.

Kabibilangan ng dating sikat na PBA players, collegiate stars at ilang piling Fil-Am dribblers ang Road Warriors. Samantala, ang CL Gems ay napipisil na mangingibabaw laban sa 11 pang koponan na nabahagi sa dalawang pangkat na may pito at anim na miyembro kada grupo.
Ang mga manlalaro ng San Sebastian Stags na nagkampeon noong 2009 sa NCAA season ay nakabilang sa NLEX squad na tampok sina ex-pro Ogie Menor at dating Ateneo Blue Eagle skipper na si Eric Salamat, habang ang Lhuiller lineup ay katatampukan ng mga dating professional basketeers na sina Kelvin Gregorio, Benedict Fernandez at Chris Canta, na makakasama nina Kevin Alas, Hyran Bagatsing at Ariel Mepana.

Lumilitaw na dark horses ang Freego Jeans, Maynilad, Black Water, Junior Powerade at MaxBond.

Kakatawanin sa Freego Jeans ang Adamson team, habang ang San Beda Red Lions ang lalaro sa Maynilad.

Ang buod ng Arellano Chiefs ang tatampok sa Black Water habang mga galing sa University of Santo Tomas Growling Tigers ang sasabak para sa MaxBond.

Ang iba pang team ay ang RnW Pacific Pipes, PC Gilmore, Pharex Laboratories, FCA Cultivators, Café France at ang Cobra Energy Drink.

Unang magbabakbakan ang RnW Pacific Pipes at PC Gilmore na susundan ng Maynilad lkontra sa Cobra Energy Drink.

Ang RnW ay tatanganan ni coach Christopher Robinson habang ang PC Gilmore ay gagabayan ni coach Richard del Rosario.

Ang mangungunang dalawang team kada bracket at papasok sa quarterfinals habang isang knockout game sa nalalabing team, katulad ng huling walong teams na sasailalim sa KO match para mapili ang dalawang koponan na maglalaro sa best-of-three championship. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply