Rochelle Pangilinan nag-topless na

SA KAPITOLYO ng Batangas nakatsikahan namin si Governor Vilma Santos at kanyang kinumpirmang nagkausap sila ni Nora Aunor noong nasa Los Angeles siya kasama ang cast ng In My Life.

“Matagal na yun nagkausap kami Guy (Nora Aunor) Nasa L.A kami para sa premiere night ng In My Life nang magkausap kami sa cellphone. Tinanong ko kung uuwi siya at kaagad naman niyang sinabi na kapag umuwi siya ay susunduin ko.

“Sabi ko, “Oo walang problema basta tatawagan muna niya ako kapag uuwi na siya para malaman ko. Matagal na yun, hindi na kami uli nagkausap hanggang ngayon,” say ni Vilma

Tungkol naman sa pag-atras niya maging leading lady ni Laguna Governor E.R Ejercito para sa El Presidente ( the life of Emilio Aguinaldo).

“Wala akong natatanggap na offer. Hindi ko alam talaga. Hindi totoong umatras ako kasi wala naman talaga akong natanggap na offer. Lately na lang, nalaman ko sa mga write-up na gusto nga raw akong kunin sa movie.

“Ako naman walang problema basta may magandang script. Importante sa akin ang script bago tanggapin ang isang project,” say pa ni Governor Vi.

Kinumpirma rin ni Gobernadora Vilma na July ang target date ng simula ng gagawin niyang movie sa Star Cinema. Mag-uusap raw sila ni Charo Santos at people behind Star Cinema about the project na ididirek ni Chito Rono.

Wala pa siyang alam kung anong istorya ang gagawin basta alam lang niya ay isang suspense ang movie na gagawin sa Star Cinema.

“Namimis ko na talaga ang TV at pelikula. Gusto ko magkaroon ng TV show at movie,” tsika pa ni Governor Vi.

Totoo raw kinausap siya ng big boss ng TV5, pero walang kumpirmasyon kung matutuloy ang TV show or movie. Script kasi ang una niyang hinahanap kung babagay sa kanya.

Ask ko si Gov.Vi kung Senator or Vice President ang next posisyon na tatakbuhin?

Natawa ito at sinabi na: “Ayoko! Ang hirap. Ayokong tumaas ang blood pressure ko.”

***************

Itinanggi ni Rochelle Pangilinan ng Sex Bomb kumalas na siya sa grupo at manager na si Joy Cancio nang makausap namin sa taping ng Show Me Da Manny last Tuesday.

“Kami naman ni Nanay Joy ay nagkakaintindihan. Walang problema sa amin kung hindi ako sumama sa grupo nang lumipat sila sa Dos. Naiintindihan at nagkakaunawaan kami kung hindi ako sumama at manatili sa GMA 7.

“Nandoon pa rin naman ang respeto sa isa`t-isa. Kapag kailangan niya ang serbisyo ko ay nandito lang ako. Pero pilitin niya ako sumama, hindi ugali ni Nanay Joy yun.

“Naiintindihan ko siya (Joy) nang tanggapin ang offer ng kabila. Kailangan niyang kumayod dahil maraming tao ang umaasa sa kanya. Maraming dancer ang umaasa sa kanya ngayon kaya kailangan niyang tanggapin ang offer para may pagkakitaan,” mahabang tsika ni Rochelle.

Natsika rin ni Rochelle, hindi naging problema sa boyfriend niya ang pagta-topless niya sa “Amaya”  Trabaho raw yun at maganda ang project na pagsasamahan nila ni Marian Rivera.

Planong pagpapakasal nila ng boyfriend. Isang matinding hindi! Wala pa raw sa plano nilang magpakasal. Marami pa raw siyang pangarap sa buhay at hindi pa handang magpagarahe.

***************

Nag-advance taping si Manny Pacquiao ng Show Me Da Manny last Tuesday  at doon ay kanyang sinabi na kahit anong mangyari ay hindi niya puwedeng pabayaan at iwanan ang sitcom.

Napamahal na sa kanya ang show at mga kasama na sina Marian Rivera, Lovi Poe, Rochelle Pangilinan, John Lapuz, Kevin Santos atbp.

Sabi ni Pambansang Kamao, basta libre ang schedule niya ay pupunta siya ng taping para mabigyan kasiyahan ang avid follower ng sitcom.

Nakatakda siyang magpunta ng Baguio para doon mag-ensayo kasama ang kanyang Coach at Pacman Team.   Kailangan niya mag-training ng husto at hindi magpapabaya dahil ang boxing raw ay hindi dapat maging kampante.

Hindi rin niya tinitingnan na madaling kalaban sa ring si Shane Mosley. Kaya kailangan niyang paghandaan ito ng mabuti.

****************

Hindi lang comedy, magkakaroon din ng political at socially relevant ang Bubble Gang ngayong Friday, nandiyan ang satire na inihanda ng barkada tungkol sa mga government issues ngayon. Ang kaibahan lang ay sa isang tahanan ang setting ng anomalya.

Kaabang-abang din ang “Balitang News” kung saan weird na news reporting ang mapapanood dahil English-Tagalog ito na nakakatawa ang magiging translation ng mga balita.

Sa usapang graduation naman may handog na “toga” gags ang barkada para sa mga magtatapos ngayong Marso, samahan pa yan ng mga pamahiin ng isang pamilya tungkol sa graduation at kasalan. At ang kuwelang tandem nina Cheche Bureche. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply