Romasanta, Go Teng Kok nagbabangayan sa karate

HINAMON ni Go Teng Kok, pangulo ng Philippine Karatedo Federation (PKF) ang mayorya na lumahok sa general assembly meeting upang bigyan tuldok ang usapin sa liderato ng asosasyon.

“I’m ready to submit my self to vote of no confidence kung talagang ayaw na sa akin ng mga opisyal ng karate. Kung talagang mga lalake kayo, dumalo kayo sa general assembly meeting at tapusin na natin itong sigalot na ito,” hamon ni Go sa grupo na pinamumunuan ni Joey Romasanta.

“Wala akong planong manatili bilang PKF president, pero gawin natin sa legal na pamamaraan ang lahat at huwag yung trayduran,” sambit ni Go.

Si Romasanta, spokesman ng Philippine Olympic Committee (POC) at malapit na kaalyado ni Go sa panahon ng eleksiyon ay hinalal ng may 11 miyembro ng PKF Board bilang bagong pangulo.

Nauna rito, nagsumite ng resolusyon ang grupo na patalsikin si Go bilang PKF president bunsod umano ng paglabag sa provision ng PKF by-laws na nagbabawal sa pangulo na humawak ng iba pang asosasyon.

Si Go ay pangulo rin ng Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa).

Ngunit, binatikos ni Go ang naturang pahayag ng grupo at sinabing nang ihalal siyang PKF president may tatlong taon na ang nakalilipas ay awtomatikong nabalewala ang provision.

“Bakit ngayon lang nila sasabihin ‘yan eh noong 2008 pa ako nahalal na PKF president,” sambit ni Go.

Iginiit ni Go na pamumulitika lamang ang layunin ng grupo ni Romasanta bunsod ng kagustuhan na makalikha sila ng sarili nilang grupo ng mga asosasyon dahil na rin sa naunang pag-alis ni Go sa poder ni POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco.

Ayon kay Go ang PKF general assembly meeting sa Marso 12 sa PNU executive lounge sa Taft Avenue , Manila ang magpapatunay kung sino ang illegal na grupo sa asosasyon.

“Sana dumating sila para maayos itong problema,” sambit ni Go.

Iginiit din ni Go na kung tuluyang madi-disband ang national team ng karate malaki ang epekto nito sa paghahanda ng mga atleta para sa nalalapit na SEA Games sa Jakarta.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply