Ronald Singson to Lovi Poe: ‘I am setting you free’

FINALLY, nagtapat na rin si Lovi Poe na tapos na ang pagmamahalan nila ni Congressman Ronald Singson.

Sabi ni Lovi nang makatsikahan namin sa taping ng Show Me Da Manny with Manny Pacquaio, Marian Rivera atbp, nag-usap sila ni Ronald bago hatulan ng Hong Kong court ng isang taon at anim na buwan pagkabilanggo.

Nagdesisyon raw si Ronald to set her free dahil alam nito na kung gaano kahirap para sa kanya ang sitwasyon lalo na at may kaso itong kinaharap sa HK.

“Napakabait ni Ronald. Hindi siya selfish. Alam niya na parehong mahirap sa amin ang sitwasyon. Kaya siya na ang nagsabi sa akin that he`s setting me free.

“He (Ronald) will always be special to my me. Hindi ko makakalimutan ang mga pinagsamahan namin.

“Yung respect ko for Ronald will always be there. Kahit ano pa ang mangyari, he will always have a special in my heart,” mahabang tsika ni Lovi.

Sa ngayon, magko-concentrate muna si Lovi sa showbiz career. At nagpapasalamat siya sa GMA 7, dahil pagkatapos ng My Valentine Girls ay isinama siya sa TV series na Captain Barbell na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez bilang isa sa apat na leading ladies ng actor.

EUGENE DOMINGO, NAGDALA NG MOVIE NI LUIS

Sabi ay si Eugene Domingo raw ang nagdala ng movie, “Who`s That Girl” pero kaagad naman itong pinasinungalingan ni Uge.

Sabi ni Uge, nagbigay lang siya ng support sa tandem nina Anne Curtiz at Luis Manzano. Hindi raw gaganda ang role niya kung hindi magagaling na artista sina Anne at Luis.

Samantalang sa Sabado ay muling pasasayahin ni Uge ang mga tagahanga sa TV show na Comedy Bar kasama sina Allan K at Fabio with Beergins at Six Feet Long band.

Kakanta sa show si Julie Ann at huhulaan naman nina Alyssa Alano, Wil Devaugn at John Feir ang mga secret word sa Drama Henyo portion ng CB.

MOMMY ELVIE NI ARIEL VILLASANTA, NAGBILIN NA

Sa edad na 83 years old, masayahin at masigla pa rin ang nanay ni Ariel Villasanta (ka-tandem ni Maverick sa mga TV show).

Mommy Elvie kung tawagin ng mga kaibigan at kamag-anak ang nanay ni Ariel at pagkatapos nang tatlong taon pamamahinga dahil sa operasyon sa tuhod ay muling nagbabalik- telebisyon.

Last Monday ay humarap sa press si Mommy Elvie with Ariel and wife nito na si Cristina Decena para ihayag ang bagong show nito sa GMA News Channel 11, ang “Mommy Elvie @ 18 na magsisimulang umere sa Saturday (March 12) at 10:30 am to 11: 00 am.

Napaiyak si Mommy Elvie dahil sa sobrang kaba at excitement. Isa sa pangarap niya makaharap si Pangulong Noynoy Aquino at isa ito sa 18 wishes niya na sana raw ay matupad bago siya kunin ni Lord.

Pero ang umagaw ng aming attention ay nang ikuwento ni Mommy Elvie ang sinapit na insidenteng naganap noong Ondoy.

Siya lang ang tao sa kanilang tahanan sa Provident Village at wala si Ariel dahil nagte-taping ito ng kaniyang show nang biglang dumating ang bagyong si Ondoy

Nagawa niyang pumunta ng bubong mag-isa nang walang katulong dahil pumasok na ang baha sa kanilang tahanan.

Sinira raw niya ang kisame ng kanilang bahay para makapunta ng bubong at doon ay nanatili siya hanggang dumating ang tulong para siya masagip.

Nasirang lahat ang kanilang kagamitan at walang natirang mapapakinabangan. Maging ang bahay ay wala na rin silbi, Pero ang lalong ikinalungkot ni Mommy Elvie ay mga larawan inipon at iningatan niya ay naanod ng tubig baha.

“Yun mga photo ni Ariel magmula pagkasilang hanggang sa sumasapit ang kaniyang kaarawan ay kinunan ko, hanggang ngayon ay nasirang lahat. Yun na lang ang maipamamana ko sa kanya, nawala pa.

“Matanda na ako. Alam ko di na magtatagal ang buhay ko, Gusto ko bago pumikit ang aking mga mata, makita ko may makakasama at may magmamahal sa anak ko (Ariel),” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Mommy Elvie.

Reaction niya sa nagsasabi na pera lang ang habol ni Ariel kay Cristina Decena kaya ito pinakasalan ng kanyang anak?

“May trabaho naman si Ariel, Twenty two years yan nagta-trabaho sa PLDT. Walang bisyo at mabait na anak yan si Ariel. Nagulat nga ako nang sabihin na si Cristina ay dating ex-ni Philip Salvador at nakita ko may mga bodyguard. Natakot ako baka barilin si Ariel. Pero lately, nakita ko na mahal nila talaga ang isa`t-isa at ngayon ay masaya na ako kahit mawala dahil may mag-aalaga na sa anak ko,.May makakasama na ito kapag ako ay nawala,” madamdamin pahayag pa ni Mommy Elvie. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply