Rosales hinimok ang publiko na tutulan ang RH bill

NANAWAGAN si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales sa mga Pinoy na mahalin at protektahan ang biyaya ng buhay na kaloob ng Diyos bunsod nang isinusulong na Reproductive Health (RH) bill sa Kongreso.

Hinimok din ng Cardinal ang mga Pinoy na makiisa sa isasagawang “interfaith rally” ng Simbahang Katoliko ngayong araw, Marso 24 sa Quirino Grandstand sa Ermita, Manila para tutulan ang RH bill.

Ayon kay Rosales, layunin ng “interfaith  rally” na protektahan ang bawat buhay ng Pamilyang Pilipino kasabay ng pagdiriwang ng Peace of the Annunciation at International day of the Unborn Child.

Inaasahan ng Cardinal na dadalo sa rally ang lahat ng indibidwal, grupo at iba’t ibang sekta na tutol sa isinusulong na RH Bill.

Aniya, panahon na para ipakita ng publiko ang tunay nilang paninindigan kung sila ba ay  tutol o pabor sa RH Bill.

Ayon naman kay Caloocan Bishop Diogracias  Iñiguez, chairman ng Episcopal Commission on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kailangang maintindihan ng mga tao na ang tulad ng ganitong panukala ay labag sa kaayusan na itinakda ng Diyos at makakapinsala sa kapakanan ng tao.

Tiniyak naman ni Iñiguez na dadalo sila sa prayer rally for life ngayong araw para ihayag ang kanilang pagtutol at ang pagpanig sa buhay. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply