Roxas bumalik sa Taiwan

UMALIS ngayong Linggo, Marso 13, si dating senador Mar Roxas patungong Taiwan upang ipagpatuloy ang naunang pag-uusap at maibalik sa normal ang relasyon nito sa Pilipinas.

Tiniyak ni deputy presidential spokesperson Abegail Valte na nakatakdang makipag-usap si Roxas sa mga opisyal ng Taiwan ngayong Lunes, Marso 14.

Nauna nang sinabi ni presidential spokesman Atty.  Edwin Lacierda na ang muling pag-imbita ng Taiwan ay isang welcome development para maisantabi na ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa.

Magugunitang ininsulto, pinahiya at hindi pa pinakain ng Taiwanese officials noon si Roxas ng una itong bumiyahe sa Taiwan.

Sa kabilang dako, malugod na tinanggap ng Malakanyang ang desisyon ng Taiwan na bawasan o luwagan ang mga requirements ng mga OFWs na magtatrabaho sa kanilang bansa.

Wala naman silang balak na kontrahin kung isang ‘apology’ na ang pagtingin ng Taiwan sa pagtatalaga kay dating AFP Chief Ricardo David bilang bagong immigration commissioner, kapalit ni Roy Ledesma.

Si Ledesma ang BID commissioner na nagpa-deport sa 14 Taiwanese sa Beijing, China imbes na sa Taiwan.

“We won’t argue if Taiwan look at it as a form of apology,” ayon kay Lacierda. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply