Roxas inimbitahan na ng Taiwan

SA IKALAWANG pagkakataon ay inimbitahan na ng Taiwan si dating Sen. Mar Roxas upang ipagpatuloy ang pag-uusap at maibalik sa normal ang relasyon sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Atty.  Edwin Lacierda, ang nasabing hakbang ay isang welcome development upang maisantabi na ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa.

Matatandaang ininsulto, ipinahiya at hindi pinakain ng Taiwanese officials noon si Roxas nang unang bumiyahe sa Taiwan.

Hindi naman nila sigurado kung tinanggap ni Roxas ang nasabing imbitasyon.

Sa kabilang dako, malugod na tinanggap ng Malakanyang ang desisyon ng Taiwan na bawasan o luwagan ang requirements sa OFWs na magtatrabaho sa kanilang bansa.

Wala naman silang balak na kontrahin kung isang ‘apology’ na ang pagtingin ng Taiwan sa pagtatalaga kay dating AFP Chief Ricardo David bilang bagong immigration commissioner, kapalit ni Roy Ledesma.

Si Ledesma ang BID commissioner na nagpa-deport sa 14 Taiwanese sa Beijing, China imbes na sa Taiwan.

“We won’t argue if Taiwan look at is as a form of apology,” ayon kay Lacierda. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply