RP Patriots babalasahin

ISASAILALIM sa masusing pagsusuri ang AirAsean Basketball League Season 2 Runner-up, RP Patriots bilang preparasyon sa Season 3.

Ayon kay team owner sportsman/businessman Mikee Romero, lubhang nakalulungkot ito sa kinalabasan ng laro sa 2nd conference kung kaya mahalaga ang pagsasagawa ng balasahan ng players at ng bubuo sa coaching staff.

Sisikapin nila Romero at co-owner Tony Boy Cojuanco na maibalik sa bansa ang korona sa kabila ng planong pagsali sa liga ng dalawang bagong team mula sa Indonesia at isa pa sa prankisa ng San Miguel Corporation.

Bukod pa ito sa inaasahang pagpapalakas ng 2011 ASEAN Basketball League (ABL) Champions Chang Thai Slammers, Indonesia SatriaMuda Britama at ng Singapore Slingers, na kasalukuyang naghahanap ng malalakas na players at matitinik na import. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply