RP women’s golf team bibida sa Queen Sirikit

UMALIS na patugong India ang four-member Philippine amateur women’s team sa layuning makakuha ng titulo sa Queen Sirikit Cup Asia-Pacific Ladies Invitational Golf Team Championship.

Ang bakbakan ay gaganapin sa Delhi Golf Club sa New Delhi, India mula March 9 hanggang 11.

Pangungunahan ni Laos Southeast Asian Games individual gold medalist Chihiro Ikeda ang Philippine team.

Kabilang sa Phl team ang mga magagaling na pambato ng Pilipinas na sina Dottie Ardina, Jayvie Agojo at Lovelyn Guioguio.

Kinuha naman ng Women’s Golf Association of the Philippines (WGAP) ang serbisyo ni national team coach Bong Lopez para gumabay sa women’s team ng bansa.

“This is probably one of the best teams we will be sending to represent the country. I am confident of a good showing,” pahayag ni Lopez. GP

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply