RR sa BoC i-lyfestye check; bastos na hepe ng Bulacan

ANO na ang ginagawa ng Department of Finance laban sa mga abusadong tauhan ng Bureau of Customs.

Nakatanggap ng reklamo ang ULTIMATUM laban sa isang kolektor ng BoC na nagngangalang RR.

Saksakan daw ng kapal ng mukha nito kung makahingi ng tongpats sa mga broker d’yan sa Aduana.

At ang dahilan….kailangan ng perang pansugal ng kabit nito na Cebuana na mas kilala sa tawag na Gina.

Base sa sumbong ng ating uzi halos ipinaretoke nitong si RR ang katawan ng babae.

Pati ang dibdib ni Gina ay ipinadoble nito ng laki.

Tsk! Tsk! Tsk! Saan naman kaya kumuha ng dobleng pera itong si kolektor para ipaayos ang dibdib ng kanyang alagang bebeng.

Oo nga pala hindi ba’t may sakit na cancer ang asawa mo, kolektor?

Bakit nagagawa mo pang lokohin ito?

Wala ka bang konsensiya?

Sa susunod ay ibubunyag naman natin kung sino ang mga taong nasa likod ni RR at kung bakit ang lakas ng loob nitong mangotong.

Tingnan lang natin kung kaya ka pang ipagtanggol ni Jinggoy!

oOo

Grabe naman ang kabastusan nitong hepe ng Philippine National Police ng Guiguinto, Bulacan na si Police Superintendent Miguel P. Atienza.

Bukod sa pagiging presko nito ay saksakan pa ng hambog kung makaporma.

Lumapit ng tulong si Annabelle Bilasano kay Atienza para ireklamo ang kanyang katulong na hinihinalang nagnakaw sa kanyang mga alahas.

Sa halip na aksiyunan ni Atienza ang reklamo ay mukhang ang napagtripan pa ay ang complainant.

Harapan pang binastos ni hepe ang kawawang babae na ninakawan na nga eh napagtripan pa ng ulol na pulis.

Tsk! Tsk! Tsk! PNP Chief Raul Bacalzo!

Ganito na ho ba ang utak ng ating mga opisyal sa PNP?

Mga utak na de kalso?

Galaw naman, General!

oOo

Talamak na naman ang kidnapping sa Maynila!

Makaraang makidnap at marekober ang biktima na Malaysiano.

At siyempre, nahuli rin ang lahat ng salarin.

Pero ang masakit, nakatkong ang P16-M na ransom money.

P4-M lang kasi ang naisauli sa biktima na malinaw namang kulang talaga.

Oooops! Bakit tahimik na tahimik si MPD Dir. Roberto Rongavilla?

Kasama rin kaya siya sa “TANGGAPAN.”

Yun bang === sa oras ng pangangailangan pasyalan lang ako sa aking “TANGGAPAN!”

Tumataginting na P12-M ang nawawala!

Tsk!Tsk! Tsk! Sa Pilipinas ka lang makakakita ng senaryong nakidnap ka na at nailigtas
pero nanakawan ka pa!

Onli en da Pelepens!

Ispisyali en Manela!

Tangna ang kakapal ng mukha n’yo!

Kunin na sana kayo ng kalaban ni Lord!

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply