Ruffa shock sa laplapan nina Richard Gomez at Valerie Concepcion

SINO itong sexy actress na madalas magpunta ng Batangas, di para mamili ng mga pagkain, gamot or kailangan niyang isusuot.

Ayon sa aming spy, madalas magpunta ang sexy star sa opisina ni Vice Mayor, di para humingi ng tulong.

Pinagdiinan pa ng source na may milagrong ginagawa sina sexy star at vice mayor.

Clue, ang sexy star ay pinapantasya noon at hanggang ngayon. Sexy pa rin ito at katakam-takam ang katawan kaya hindi kataka-taka mabaliw sa kanya si vice mayor, Baka pati nga mga hayop ay magwala sa kaseksihan ni sexy star.

**************

IKINAGULAT ni Ruffa Gutierrez ang mainit na romansahan nina Richard Gomez at Valerie Concepcion sa Nagbabagang Bulaklak.

Bihira na kasing makapanood ng telebisyon si Ruffa kaya nang makita ang romansahan nina Goma at Valerie ay hindi ito makapaniwala.

Naka-topless pa kasi Valerie habang nakikipaghalikan kay Goma. Akala kasi ni Ruffa ay sa pelikula lang puwede ang ganoon ka-daring na romansahan.

Palaban as in walang pakialam raw si Valerie habang nakikipaglaplapan ito kay  Goma.

Ask kung kaya rin ni Ruffa ang makipaglaplapan sa magiging kapartner sa isang TV series?

Isang mariing na hindi raw niya magagawa ang ginawa ni Valerie. Tama na raw yun nagawa niya ito sa pelikula.

LIEZL SICANGCO, WINARNINGAN SI MARIEL SA PAGKASELOSO NI ROBIN

Sinabi ni Liezl Sicangco na seloso si Robin Padilla. Kaya may bilin ito kay Mariel Rodriquez na maging handa sa pagiging seloso ng ex-husband para magtagal ang kanilang pagsasama.

Seryoso kaya si Liezl, ex-wife ni Robin nang sabihin nito sa ilan reporter na iwasan ni Mariel na maging sweet sa mga kamag-anak at lalo na sa lalake dahil ayaw raw yun ni Robin.

Anyway, pinayagan naman ni Robin si Mariel na gumawa ng pelikula na iba ang leading man pero sa kundisyon na hindi ito makikipaghalikan sa kapartner na lalake kahit na raw sabihing trabaho lang yun.

“Gusto ko talaga na gumawa siya ng pelikula.  Gusto ko may iba rin siyang ginagawa. Pero! Huwag na huwag na lang siyang makikipag-kissing scene!”pahayag ni Robin.

Siyanga pala dahil sa yumanig na lindol sa Japan kaya pati ang Pinas ay naalarma, inuurong ang playdate ng movie nina Robin at Mariel under Star Cinema.

Baka raw makaapekto sa kita sa takilya kung ngayon ito ipalalabas dahil maraming Pinoy ang takot ngayon maglalabas, lalo na kung manonood ng sine sa pangamba na baka lumindol din sa ating bansa.

***************

Remember Sabado boys na sina Jimmy Bondoc, Luke Mijares at DJ Mike. Mapapasabak sila sa mga sexy at magandang talent ng GMA 7 na sina Iwa Moto, Nina Kodaka at Beergins girls sa Game/Dikit, game show ng Comedy Bar, hosted by Allan K, Eugene Domingo at Fabio Ide ngayong Sabado ng gabi sa GMA 7.

Ibabalik sa CB ang Talasalitaan ni Fabio dahil sa sangkatutak na nagre-request na kung saan may mga bagong word na itinuturo ni Fabio.

Kaabang-abang din kung sino ang makakasama ng Six Feet Long Band na sexy girl sa band habang sila ay naglalakbay?

At nandiyan pa rin siyempre ang mga stand-up comedian na nagbibigay kasiyahan sa televiwers na hindi na kailangan lumabas ng bahay para matawa at mag-enjoy habang kumakain sa kanilang tahanan. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply