Rules sa paglilitis kay Mercy, pinaplantsa na sa Senado

PINAPLANTSA na ng Senado ang alituntunin o Rules of Impeachment sakaling maisampa ng Mababang Kapulungan ang Articles of Impeachment laban kay Ombudsman Merciditas Gutierrez, ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero.

Ayon sa senador, kailangan nang kumilos ang Senado sa pag-aayos ng Rules of Impeachment upang maiwasan ang nangyari sa huling kaso ng pagpapatalsik kay dating Pangulong Joseph Estrada na tumanggap ng panibagong ebidensiya ang Impeachment Court.

“Hindi na tatanggap ang Senado ng karagdagang ebidensiya laban kay Gutierrez oras na simulan   ang paglilitis ng Impeachment Court laban sa Ombudsman,” ayon kay Escudero.

Sinabi ni Escudero, kailangan maamyendahan ang Rules of Impeachment upang maisakatuparan ang pagtanggap ng panibagong ebidensiya tulad nang huling ginamit kay Estrada noong Nobyembre 2000 hanggang Enero 2001.

“We want to avoid accepting additional cases not included in the complaint sheet of the articles of impeachment. We want to finish this rules before Congress goes on recess on March 24,”paglalahad ni Escudero.

Ayaw ng senador na maulit ang pangyayari noong impeachment trial ni Estrada kung saan nagsumite pa ng karagdagang ebidensiya ang prosekusyon, pero ibinasura naman ng Impeachment Court sa botong 11-10 kaya hindi nabuksan ang nilalaman ng “second envelope.”

Oras na maayos ang final draft ng rules, ihahain ito ng committee on rules sa plenary upang paaprubahan sa mga senador.

“We will not wait for the Articles of Impeachment against Ombudsman Gutierrez to make our move kasi we want to avoid what transpired in the last impeachment trial na pumasok yung mga ebidensya at testigo kasama na yung ibang kaso which is not part of the charge sheet,” dagdag pa ni Escudero.

Ngunit, sinalungat naman ni   Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III, chairman ng rules committee, ang pananaw ni Escudero dahil hindi na kailangan pang baguhin ang Rules of Impeachment.

Aniya, alinsunod sa itinakdang Rules noong nakaraang impeachment, magagamit ng Impeachment Court ang Rules of Court kung kakapusin ang Rules of Impeachment sa pagdinig ng kasong impeachment na isasampa mula sa Mababang Kapulungan.

“Baka hindi kabisado ni Chiz dahil wala siya rito during the last impeachment, nandoon ‘yun, maliwanag na if the rules of the Senate does not suffice, the rules of the court will be used. So ano pa ang gagalawin mo dun? Ayos na ‘yun, may mga manner lang na pag-uusapan d’yan,” pagtitiyak ni Sotto. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply