Sa 20B litrong konsumo kumikita sila ng P130B

BAKIT ayaw nina PNoy na pag-usapan ang pagbura o pagkaltas sa 12% expanded value added tax sa petrolyo?

Ang pagbura o pag-kaltas kasi sa EVAT ang isa sa mga isinusulong ng marami para maibsan ni Juan ang krisis sa presyo ng langis ngayon.

Kung gusto man nilang pag-usapan ito, higit nilang dinidiinan ang pagkawala naman umano ng gastusin nila para kay Juan para maibsan ang paghihirap nito.

oOo

Heto ang mga aritmetik na inihanda natin ukol sa petrolyo sa repablik ni Juan.

Napag-alaman natin na may konsumong 20 bilyong litro, mor or les, sa loob ng isang taon si Juan.

Kung kukuwentahin ito sa expanded value added tax na 12% o nasa P6.50 kada litro batay sa presyo ngayon, kumikita ang mga onorabol ng P130 bilyon taon-taon sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue.

Wala pa rito, Suki, ang 5% na taripa na kinokolekta naman ng Bureau of Customs sa langis at 35% na corporate tax na sinisingil pa rin ng BIR mula sa mga kompanya ng langis. Kung magsasama-sama ang lahat ng koleksyong ito sa langis, magkano ba ang lahat?

Sa madaling salita, Suki, dambuhalang halaga ang salapi ng mga onorabol mula sa langis.

oOo

Ngayon ay hinihiling nina George San Mateo at iba pang mga lider sa pablik transportasyon na tanggalin ang EVAT sa langis o bawasan man lang ito para hindi sila mahirapan at mabuhay sa gutom.

Pero ayaw nina PNoy at, sa halip, tila nananakot pa sila na baka magrasyon sila ng petrolyo kahit walang krisis sa suplay.

Katwiran nila, pag tinanggal nila ang EVAT wala na umano silang gagastusin para sa mahihirap. Eh, sino-sino ba ang mga ito, huh?

Pero, saan o kanino ba nila talaga ginagastos ang EVAT sa langis?-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply