Sa hindi pagharap ng Pinoy witnesses sa HK court: ‘Wag kami ang sisihin —Malacañang

NAGAWA na ng Pilipinas ang obligasyon kaugnay sa isinagawang imbestigasyon ng Hong Kong sa Manila hostage crisis.

Ito ang tugon ng Malakanyang sa pagkadismaya ng Hong Kong Coroner’s Court sa kawalan umano ng interes ng mga Pinoy witnesses na makipagtulungan sa kanilang imbestigasyon sa kabila ng ilang beses na pag-apela sa pamahalaan ng Pilipinas.

Tinatayang may 116 Filipino witness ang unang inimbitahan ng coroner para tumulong sa imbestigasyon ngunit 10 lamang ang tumugon sa pamamagitan ng video link.

Ayon kay  Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda, hindi dapat sila sisihin kung hindi dumalo ang mga ipinatawag na testigo dahil sarili nila iyong desisyon.

Aniya, hindi nila puwedeng puwersahin ang mga testigo kung nag-aalangan silang bumiyahe para humarap sa prosekusyon ng Hong Kong.

Sa kabilang dako, tikom naman ang bibig ni Atty. Lacierda na magbigay ng karagdagang komento sa naging findings ng Hong Kong hangga’t hindi pa umano nababasa ang opisyal na report. Kris Jose

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply