Sa sobrang higpit kay Kylie: Robin nasalisihan ni Aljur Abrenica

GANADONG-GANADO si Robin Padilla sa pagsagot sa mga tanong na ibinato sa kanya sa presscon ng isa sa mga nangungunang direct selling companies sa bansa, ang Natasha. Si Robin at ang kapatid na si Rommel Padilla mismo ang lumapit sa Natasha para tulungan sila na mabigyan ng hanap-buhay ang members ng itinayo niya na Liwanag ng Kapayapaan Foundation (LFK). Isinalin ni Robin ang pamumuno rito kay Rommel.

Naging mahaba at napaka-seryoso namang nagsalita si Robin tungkol sa nababalitang love affair ng anak niyang si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica. Madiing sinabi ni Robin na tutol siya kay Aljur para kay Kylie.  Pero sai ni Robin ‘di lang naman daw kay Aljur  siya ‘di boto. Kahit sino raw lalaki na magkaroon ng kaugnayan ngayon kay Kylie ay tutulan niya.

Batay na raw ‘to sa katuruan ng kanyang pananampalataya bilang Muslim.   Katwiran ni Robin, kahit naman daw sa relihiyong Katoliko ay ipinagbabawal din ang ganitong pakikipag-relasyon.

E, alam kaya ni Robin na nagpunta si Kylie  sa bagong resort sa Batangas ng pamilya ng young actor? Doon nag-celebrate ng kanyang birthday si Aljur at si Kylie ang kanyang special guest.

JOVIT BALDIVINO SA DEAR CHARO

Ngayong Sabado mapapanood naman ang kwento ng buhay ng kauna-unahang grand champion ng “Pilipinas Got Talent” na si Jovit Baldovino.

Tiyak na marami ang mai-inspire sa mga makakapanood ng mga pinagdaanang hirap at saya sa buhay ni Jovit.  Dito mari-reveal kung saan talaga nanggaling si Jovit at kung ano’ng klaseng tao ang grand champion.

Gagamapanan ng dating child star na si Carl John Barrameda ang buhay ni Jovit sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Joan Habana.  Kasama rin ang mga beteranong artista na sina Malou de Guzman at Lito Pimentel.

NYOY VOLANTE AT JOVIT SA ZIRKOH APRIL 30

Kasabay nito ang nalalapit na concert ni Jovit with The King of Pop Acoustic na si Nyoy Volante titled “Two Much Love…Nyoy” sa Zirkoh Tomas Morato, Quezon City on April 30, Saturday. Makakasama rin sa konsyerto ‘to ang mahuhusay na singers na sina Laarni Lozada (Pinoy Dream Academy 2 champion) at  K-La Rivera (Star Power grand finalist).

Paiingtingin din ng saya at aliw ang  “Two Much Love” sa performances ng Rockoustic  Idol na si Marc Cuballes, Amazing Dancing Diva na si Cynthia Sol, ang Romantic Balladeer na si MJ Ringor and introducing Josh Limon.

For tickets, please call or text  09178878902 at 09155864538. Mabibili tin ang
ticket sa Zirkoh Morato at lahat ng SM Ticketnet. Julie A. Bonifacio

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply