Sa sobrang ngasaban nila Dennis at Heart: Jennylyn tuluyang napraning

SI Heart Evangelista ay nagsalita na hinggil sa kinasangkutan niyang issue na wala siyang kaalam-alam na itinuturo siyang dahilan. Tungkol ito sa hiwalayang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Pinatutungkulan ni Heart ang mga sweet moments nila ni Dennis sa “Dwarfina” na parang totoong-totoo. Lalo na iyong kissing scenes nilang dalawa.

Sa huling interview kay Heart sa set ng “Dwarfina,” nasabi ng actress na super in love pa rin sila isa’t- isa ni Daniel Matsunaga.

Lalo na ngayon ang mga eksana ay nagbabadya ng walang hanggang pag-iibigan nina Dennis at Heart bilang sina Dwarfina o Fina at Lyndon. Kahit na dwarf si Heart, di pa rin nagbabago ang pagmamahal ni Dennis sa istorya ng soap.

Sa istorya, malulunasan na ni Fina ang sakit ng kanyang ama na role ni Cris Villanueva.

Makakaalam ng mga kasinungaligan nina Iwa Moto at ng lola nito si Cris lamang.

GEOFF EIGENMANN PAHIRAP KAY CARLA ABELLANA

Nang nakausap namin si Glaiza sa “Party Pilipinas” set, nasabi ng actress na walang anumang ligawang naganap nang panahong magk-partner sila ni Geoff. Very supportive pa nga siya sa magandang pagsasama ng dalawa.
Ani Glaiza: “Naging close lang kami sa set ni Geoff kahit paano. Yun lang. Pinupuri ko nga ang magandang relasyon nila ni Carla. Ideal couple silang dalawa. “
Samantala, lalong nagiging aso’t -pusa ang relasyon nina Carla at Geoff sa “Magic Palayok.” Kasi, pinabagsak na talaga nina Geoff ang maliit na karinderia ni Carla. Baon pa sa utang si Carla.
Sa ipinakikitang acting ni Carla, talagang believable lahat ang kanyang pinaggagawa sa set. Hanga ang buong staff sa kanya sa ipinakitang galing sa comedy at drama.

REGINE VELASQUEZ & OGIE   AUCTION NA

Sabi ni Ogie Alcasid, lahat ang maiipon sa auction nila Regine Velasquez ay gagamitin sa lahat ng charity work nilang mag-asawa. Kaysa mabulok sa bahay ang mga mamahaling  gown ni Asian Songbird.

Anyway, busy pa rin ang mag-asawa sa “Party Pilipinas.”  Si Regine ay may “I Heart You Pare,” samantalang si Ogie ay regular sa “Bubble Gang” tuwing Friday night. Abangan ang mga sumusunod na portion ng BG na tampok din si Michael at barkada ng gag show.

Kabilang  sa aabangan: Mortal na kaaway, Cheche Bureche, Caveman, Magic Glasses, Lolo Bouncer,Misfortune teller at Moymoy Palaboy. Noel Asinas

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply