Nangungulila sa mga anak: Dina Bonnevie mag-aampon na lang

DAHIL sa tindi nang pangungulila sa mga anak na sina Oyo Boy at Danica Sotto na may kanya-kanya ng pamilya ay plano ni Dina Bonnevie  na mag-ampon ng bata na ituturing niyang anak.

Tsika kasi ni Ms. D nawiwindang siya sa pagiging tahimik ng kanyang bahay na dati ay may anak na kasama at nakakalaro, kaya gusto niyang mag-ampon na lang para may makasama sa bahay.

Pero kailangan din raw niya munang ipaalam sa dalawang anak ang binabalak na pag-ampon sa pag-aalalang magalit ang mga ito sa kanya.

Inamin din ni Ms. D natatakot din siyang mag-ampon dahil parang umiiksi na rin raw ang pasensiya niya Baka hindi raw niya ang gagawin kapag nag-tantrums ang batang inampon.

Say pa ni Dina, nakakatuwa raw ang mga bata kapag walang sumpong pero kapag nagsimula na raw umiyak at nag-tantrum ay naiirita na siya.Tulad raw ng apo niya kay Danica at Mark Pingris na natutuwa siya rito kapag walang sumpong pero kapag umiyak na raw ito at bumulahaw ng husto ay naloloka na siya.

Kahit din daw ang ampon nina Oyo Boy at Kristine Hermosa na si Kiel ay nagiging pasaway na rin. Ilang beses na raw napagalitan nina Oyo at Kristine ang kanilang anak-anakan.

Pero ayon pa rin kay Dina kahit daw pasaway ang apo niya sa mga anak na sina Oyo at Danica ay lagi itong nakadikit sa kanya kapag walang sumpong ang mga ito at sinasabihan siya ng “I love you.”

Mama D, ang tawag sa kanya ng mga apo at may kakaibang ligaya raw ang nararamdaman niya kapag tinatawag siyang Mama D ng mga bata. Anyway, siniguro ni Ms. D na pantay ang tingin niya sa anak nina Danica at ampon nina Oyo Boy at Kristine.

*****

Matapos ang mga kontrobersyal na kinasangkutan ni John Lapus, may bagong blessing naman na dumating sa buhay niya.

Natuwa nga ako dahil matapos ang dalawang linggong kabuwisitan ng mga balita sa akin ay may magandang balita naman. Siguro, sinisigurado ng Diyos talaga na pantay ang buhay,” say ni Sweet (tawag kay John Lapus).

Naitanong sa sikat na comedian/actor ang kasong isinampa niya sa entertainment writer at editor ng tabloid.

“Baka ngayon na namin isasampa ang kaso. Siyempre pa nag-file na ako.Hindi na ako puwedeng interbyuhin. Yung pinsan kong abogado na ang kakausapin ninyo,” paliwanag ni Sweet.

Ask kung saan ba siya magsasampa ng kaso at wala na bang pag-asa na magkaayos sila?

“Pinag-iisipan ko pa kung saan. Depende sa mood ko. Sa probinsiya kaya ako mag-file para malayo ang a-attend-an niya? Hindi naman, most likely sa Quezon City dahil tagaroon ako.

“Yung effort na pagkakasundo. Nagbigay ng feeler ang editor ng Bandera na kung maaari ay maayos at mag-usap sila. Hindi ko alam kung natawagan na yung lawyer ko. Kami naman ay hindi mahirap kausapin

“Kung hihingi ng apologies, sino ba naman ako para hindi magpatawad!? Part din naman ng proseso yung pagkakaroon ng mediation,” say pa ni John.

*****

Nakatsikahan namin si Long Mejia sa “Paparazzi” last Sunday. Tsika ni Long, walang katapusan ang pasasalamat niya kay John Estrada dahil sa mga bagay na naitulong sa kanya ng actor/TV host.

Si John raw ang instrumento kung bakit may exclusive contract siya sa TV5 at sigurado na ang regular income niyang matatanggap kada buwan.

Tsika pa ni Long, noong magkaroon ng sitcom si John sa TV5 ay ipinahanap siya nito para makasama sa project at that time ay alam din ni Long na may ibang napupusuan para sa naturang role. Pero
ipinaglaban siya ni John.

Inamin din ni Long, ngayon nasa ABS-CBN na muli si John ay naiipit siya dahil kinukuha siya ng actor/TV host para makasama sa noontime nitong “Happy, Yipee Yehey” pero tinanggihan niya ito dahil may plano na sa kanya ang TV5 at naintindihan naman raw siya ni John.

Sabi pa ni Long, kahit ano raw mangyari ay dadalhin niya hanggang kamatayan ang utang na loob niya kay John. Kung hindi raw kasi kay John ay baka naupos nang lahat ang kniyang naipundar at hindi niya alam kung saan siya kukuha ng gagastusin para suportahan ang kanyang pamilya.

*****
Laking Japan at isang kilalang producer sa ibat-ibang panig ng mundo si Jacky Woo pero ang puso niya ay nabihag ng mga Pinoy.

Kapag wala rin siyang ginagawang project sa ating bansa ay sa ibang bansa ito gumagawa ng movie at take note, kahit saan lugar siya mapunta ay ineengganyo niya ang mga foreign producer sa Pinas
mag-shooting dahil napakaganda ng ating lugar.

Kamakailan lang ay nakatsikahan namin ang foreign producer na nagproduce ng “Liberacion” na kinunan sa ating bansa na pinagbibidahanni Jacky Woo.

Dahil sa Pinas ginawa ang shooting ay mga Pinoy rin ang mga kinuhang tauhan sa movie. Maging sa pagdidirek ng mga action scene ay Pinoy director din ang kinuha ng naturang foreign producer.

Ang magandang balitang nakarating sa amin ay nakasama sa Osaka Asian Film Festival ang “Liberacion” na pinagbibidahan ni Jacky Woo. Istorya ito ng isang Japanese soldier na matagal nanirahan sa mga bulubundukinng Mindoro hanggang sa administrasyon ni Marcos na kinailangan pa ng Embahador ng Japan sa Pilipinas para mahikayat itong bumaba ng bundok. Pero sa panahon na yun ay ayaw maniwala ng Japanese soldier na tapos na ang giyera at tuloy ang Japanese occupation na 1944 pa natapos na idinirek ni Adolf  Felix Jr na karamihan ng idinirek ay mga Indie films.

Pagbalik ni Jacky Woo ng Pinas ay patuloy pa rin itong magpo-producekahit na mga Indie films para makatulong sa mga Pinoy na nawalan ng trabaho nang humina ang local showbiz industry. Gerry Ocampo

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply