Saan ang titimbuwang at saan ang lulubog?

PANAY ang imbestigasyon ng mga opisyal ng pamahalaan kung saan ang mga delikadong lugar sa lindol at tsunami.

Ang isang mahalagang tanong: saan ang mga lugar na may mga titimbuwang at saan naman ang mga lulubog?

Sa Metro Manila, may mga itinuturong lugar.

Sa usaping lindol, delikado ang mga dinaraanan ng Marikina Valley Fault.

Nagmumula sa Bulacan ang napakalaking bitak ng lupa at may dead end ito sa mga lalawigan ng Laguna at Batangas.

Ang sabi, may mga gusali, istruktura at bahagi pa yata ng mga MRT, LRT at Skyway na matatamaan nito.

Alam ba ninyo ang napakadelikado rito? Aba, nasa 90% umano ng mga istruktura ang hindi makakayanang tumayo pag may maganap na 9.0 na lindol, gaya ng naganap sa Japan. May nagyayabang namang matitibay ang mga LRT, MRT at Skyway at hindi kayang gibain ng kahit na 9.0 lindol.

Ang mga lugar ng reklamasyon sa baybaying dagat naman ng Manila Bay ang sinasabing delikado hindi lang sa oras ng lindol kundi sa oras ng tsunami.

Aba ang daming napakalalaking gusali riyan at kasama na rito ang Cultural Center of the Philippines, GSIS building na bahay ngayon ng mga senador, Mall of Asia, Westin Philippine Plaza Hotel at marami pang iba.

Siguro, tanggalin ang  kayabangan at sa halip ay i-convert yan sa dasal. Pero pinakamaganda ang pagre-review talaga sa lahat ng mga gusali at pag-alam sa mga mahihina na gusali at gawan ng paraan.

Sana naman, bago magising ang 200 taon nang Marikina Valley Fault at bago magka-tsunami ay handa na tayong lahat. Yang mga under the table na sertipikasyon na iniisyu ng mga korap na opisyal ng pamahalaan ay dapat nang itigil.

SHABU SA PASIG

Napakarami po ang nagbebenta ng shabu rito sa amin sa Bolante, Pasig City. Sana po mailathala sa inyong diaryo ito. Number 1 po si  alyas Meno Muslim. Yan ay lagi pong nakatayo sa gate ng Asilo Vill. Sir, tip lang ito at marami akong anak. 0939342

PAGING NBI UKOL SA CARJACKER

i-report ko lang ang taong ito, Ronald B. Isa itong carjacker na nakatira sa Karuhatan, Valenzuela at sa Zaragoza, Nueva Ecija kumukuha ng NBI Clearance para mag-abroad. Member ito ng Bonifacio gang. Paki-report sa NBI. Reliable source ito. 0932327

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply