Sabwatan ng mga oil firm imbestigahan — Osmeña

INATASAN ni Sen. Sergio Osmeña III ang Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang umano’y pananamantala ng mga oil firm na makailang ulit nang nagtataas ng produktong petrolyo.

Ayon kay Osmeña, chairman ng Senate committee on energy, nasa posisyon ang DOJ para mag-imbestiga kung may sabwatan ang mga oil company sa pagtatakda ng presyo ng petrolyo.

Matagal na umanong pinaghihinalaan pero hindi naman naiimbestigahan ang sabwatan ng oil companies na karaniwang magkakasabay o kaya’y magkakasunod at halos pareho ang itinataas at ibinababa sa produktong petrolyo.

Subalit sa profiteering at overpricing o sobrang pagtataas ng mga presyo ng petrolyo, sinabi ni Osmeña na mahirap tugisin ang oil companies dahil deregulated ang oil industry. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply