Sagot sa fans ni Toni: “P185M ang kita ko, kaya ako ang box office queen’ —Ai Ai delas Alas

HAYAN at hindi matanggap ng mga tagahanga nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz ang pagkakaloob ng Box Office King and Queen kina Ai Ai delas Alas at Vic Sotto ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Mas kumita raw ang pelikula nina Toni at Loydie na My Amnesia Girl kumpara sa pelikula nina Ai Ai at Bossing Vic?

Pero sa nakarating na balita ay may pag-asa pa ang fans nina Toni at John Lloyd dahil hindi pa raw kumpirma na sina Ai Ai at Vic ang tatanghaling Box Office King & Queen.

Nagtataka raw ang organizer ng nasabing foundation ang paglabas ng naturang balita dahil hindi pa raw sila nagkakaroon ng botohan at deliberation na mangyayari pa lang daw pagkatapos ng Holy Week.

Ayon sa isa sa organizer ng GMMSF, clueless sila sa source ng impormasyon na sina Ai Ai, Bong Revilla at Vic ang winners.

Samantalang nang makarating kay Ai Ai na hindi pa raw siya ang kumpirmadong tatanghaling Box Office Queen ay deadma lang ito at di apektado.

Aniya: “Ako talaga ang Box Office Queen, kahit hindi pa sila nagkakaroon ng deliberation dahil talagang malaki ang kinita ng (P185M) ng Ang Tanging Ina Mo…”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa Box Office King & Queen controversial sina Ai Ai at Vic dahil last year ay kinuwestisyon din ang desisyon ng GMMSF na ipagkaloob kina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz ang Box Office King & Queen titles.

Nalutas lang ang isyu dahil gumawa ng bagong title ang GMMSF para kina Ai Ai at Vic, ang Comedy Box Office Queen at Comedy Box Office King respectively

MICHAEL V, LILIPAT NG IBANG NETWORK

Itinanggi ni Michael V ang balitang lilipat na siya ng ibang network. Puro tsismis lang daw yun at wala siyang balak mag-over da bakod.

Kung totoo raw ito ay ipaaalam niya sa mga executives ng GMA 7 dahil malaki ang respeto niya sa pamunuan ng Kapuso Network at isa pa, masaya naman siya sa pangangalaga at ginagawa ng GMA 7 sa kanyang showbiz career.

Mananatili pa rin siyang creative group ng Bubble Gang na nangungunang gag show sa telebisyon at mataas din ang rating ng Pepito Manaloto niya kaya paano niya ito iiwanan.

Lalo na ngayon pinaghahandaan na nila ng BG barkada kung saan kukunan ang kanilang summer episode na posibleng sa ibang bansa na naman nila gawin ang naturang episode.

Hindi rin maubos maisip ni Michael V na iiwan niya ang partner na si Ogie Alcasid dahil patok na patok ang kanilang tandem.

Nandiyan pa ang pagho-host din niya sa Eat Bulaga kaya paano raw siya mag-iisip na mag-over da bakod.

MANNY PACQUIAO, DEDMA SA MGA ASAR SA TWITTER

Kahit anong pang-aasar ang gawin kay Manny Pacquiao sa kanyang Twitter account ay dedma lang ito at kaniyang pa rin itong sinasagot.

Kasalukuyang nag-eensayo si Pacman sa Baguio bilang paghahanda sa laban kay Shane Mosley sa Las Vegas sa May 7 (May 8 sa ating bansa).

Ang nakakatuwa sa Pambansang Kamao, nagagawa pa niyang mag-tweet sa gitna ng pagiging abala sa training.

Kung walang magiging aberya ay sa April na siya bababa ng Baguio at didiretso ng Los Angeles California para doon na ipagpatuloy ang training sa Wild Gym Card.

Tsika sa amin na susunod ang cast ng Show Me Da Manny sa Los Angeles California para doon makapagtaping ng ilang eksena ng kanilang sitcom with Marian Rivera, Lovi Poe, Rochelle Pangilinan atbp.

Sa mga nagtatanong kung saan network mapapanood ang laban ni Manny kay Mosley. Sa GMA 7 pa rin ito
mapapanood sa May 8.

**************

Mahabang preparasyon ang ginawa ni Richard Gutierrez para sa pagbabalik ni Captain Barbell.

Sabi ni Chard, dapat ay handa siya physically at mentally sa Captain Barbell, lalo na at alam niyang na inaabangan na ang fantaseryeng ito sa GMA 7.

Paniniguro nga ni Chard na mas exciting at thrilling ang CB ngayon dahil mas matitindi at mistulang demonyo ang makakalaban niya.

Pero siyempre di mawawala ang romantic scene dahil apat na babae ang mag-aagawan sa kanya, sina Lovi Poe, Isabel Oli, Michelle Madrigal at Solenn Heusaff.

Kasama rin sa Captain Barbell ang child wonder na si Jillian Ward bilang sidekick ni Chard. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply