Salpukan ng mga ‘Talentadong Pinoy,’ kasado na

GRABE ang gagaling ng lahat ng finalists ng “Talentadong Pinoy” ng TV5 nang sila ay nagkaroon ng press presentation recently sa SM Skydome.

Sa March 12 and 13 gaganapin ang grand finals nito sa Yñares Center, Antipolo City at tumataginting na P1 milyon ang premyo ng magwawagi rito.

Ang “Hall of Famers” sa Talentadong Pinoy na napapanood tuwing Sabado at Linggo ay kinabibilangan nina Beatbox Gor, Joseph the Artist, The Believers, Newborn Divas, si Sfashiva, ang acrobatic partners na Zion Show, ang Fire Attraction at ang dancing duo na RR Friends. Idadagdag din sa finalists ang isang wildcard winner na malalaman pa lamang sa March 6.

Ang favorite namin dito ay si Joseph the Artist dahil maraming may talent sa kantahan, sayawan, acrobats, magic at iba pa, pero kakaiba ang talent niyang makapag-drawing gamit ang buhangin sa maikling panahon lang.

Sa Panig ng host ng Talentadong Pinoy na si Ryan Agocillo, wala raw siyang personal favorite, pero aminado siyang sila-sila sa show ay nagkakaroon ng pustahan sa finalists.

“May pustahan kami ng staff, mayroon kaming pot. Nagpupustahan kami, walang mga paborito, pero mayroon kaming mga napipisil. Last year, nagpustahan kami, ang pusta ko ay kay Yoyo Tricker… nanalo! So, ang nanalo sa pot ay ako at ‘yung floor director namin,” saad ni Ryan.

Kaabang-abang din sa finals ng Talentadong Pinoy ang magaganap na celebrity competition sa March 13 na bahagi ng Battle of the Champions. Magsasalpukan dito ang winners sa celebrity edition na kinabibilangan nina Rosanna Roces, Valeen Montenegro, Pretty Trisha, Regine Tolentino, at Ciara Sotto. Kaya hindi dapat palagpasin ang event na ito sa TV5.

*****

Dos wagi vs Siyete sa primetime rating
PATULOY sa pag-arangkada ang mga show ng ABS CBN, samantalang diretso sa pagsadsad ang mga primetime show ng GMA-7. Ayon ito sa Kantar Media/TNS para sa February 1 hanggang 15, dahil patuloy na tinatalo ng mga teleseryeng” Mutya,”  “Mara Clara” at “Imortal” ng ABS-CBN ang “Dwarfina,” “Machete” at  “I Heart You Pare” ng GMA sa Metro Manila, Mega Manila, at sa buong bansa.

Napakahalaga na manguna sa primetime television dahil sa gabi ang pinakamaraming bilang ng manonood. Ipinakikita ng datos ngayong Pebrero na mas maraming nakatutok sa ABS-CBN kumpara sa iba pang TV network sa bansa. Siyam na puntos ang lamang ng ABS-CBN (40%) sa GMA-7 (31%) pagdating sa audience share.

Naagaw na ng ABS-CBN ang korona ng GMA 7 sa Mega Manila primetime. Nanguna ang Mara Clara ng ABS-CBN na may average rating na 27.6% habang ang Machete ng GMA 7 ay nagkamit lamang ng 20.6%. Ang iba pang shows ng Kapamilya Network ay naghahari rin sa kanilang mga timeslot tulad ng  Mutya (23%) laban sa Dwarfina (22.2%) at Imortal (21.6%) laban sa I Heart You Pare (20.2%).

Ganoon din ang takbo sa Metro Manila na mas maraming nakasubaybay sa primetime shows ng ABS-CBN. Nananatiling number one ang Mara Clara na may average rating na 28.6% laban sa 19.4% ng Machete. Tinalo naman ng Mutya (23.7%) ang  Dwarfina (20.9%). Mas marami namang tumututok sa Imortal (23.6%) kumpara sa I Heart You Pare (19.4%).

Sa nationwide ratings, naungusan din na ng todo ng ABS-CBN ang mga kalaban nito. Nilatayan ng sampal ng Mara Clara si Machete. Nagkamit ang Ina ng Teleserye ng 34.8% na pumapalo ang average rating nito na doble sa rating na nakuha ng Machete ng GMA 7 (17.1%). Sinuwag naman ng buntot ni Mutya si Dwarfina. Nakakuha ito ng 31.4% na average rating laban sa 18.3% ng Dwarfina. Sinakmal naman ng Imortal ang I Heart You Pare. Malaki ang lamang nito na lumalapa sa 26% kompara sa 15.9% ng naghihingalong I Heart You Pare. Nonie V. Nicasio

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply