Sandra Bullock nagbigay ng $1-M sa Japan

NAGBIGAY ng isang milyong dolyar ang Hollywood actress at Oscar Winner na si Sandra Bullock para sa ginagawang relief operation ng Red Cross sa Japan.

Napabilang na si Bullock sa mga celebrities na tumutulong sa nasalantang bansa. Nabatid na si Charlie Sheen ay magdo-donate din ng isang dolyar sa bawat ticket na mabibili sa
kanyang mga darating na live shows.

Samantala si Lady Gaga ay gumawa ng bracelet para isubasta at sa loob lamang ng 48 oras ay nagkakahalaga na ito ng $250,000 dolyar.

Ang Walt Disney Co. ay nagbigay din ng $2.5 milyong dolyar. Ang kanilang mga empleyado ay nakalikom ng isang milyong dolyar at tutumbasan daw ito ng kanilang employer para maging dalawang milyon.

Ang Warner Bros studio ay nangako na kanilang ibibigay ang benta sa kanilang DVD at Blu-ray ng pelikulang “Hereafter”.

Umabot na ng $10 milyong dolyar ang naiipon ng American Red Cross para ibigay sa Japanese Red Cross Society. Si Sandra Bullock ang isang sa may pinakamalaking nai-donate sa Red Cross para sa relief and rescue operation sa Japan. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply