Sanggol inabandona sa harap ng kumbento

NATAGPUAN ng isang security guard ang isang sanggol na inabandona sa harap mismo ng isang kumbento sa  Parañaque City Lunes ng madaling araw, Marso 7.

Ang bagong silang na sanggol ay natagpuan 2:20 ng madaling araw habang umiiyak na animo’y humihingi ng saklolo habang nakabalot pa ng kumot at nakasilid sa isang malaking traveling bag sa harap ng Daughters of Charity, San Martin de Porres, East Service Road.

Wala naman makapagbigay ng impormasyon kung sino ang ina na nagtapon ng sanggol kaya agad naman itong ipinagbigay-alam sa barangay at ibinigay sa kustodiya ng Hospicio de San Jose.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng mga pulis-Parañaque ang pangyayari para tukuyin kung sino ang mga magulang ng bata at kung sino ang nag-abandona dito. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply